Mga spartan ng MERALCO
UNDER fire sa madlang people sina Senators Chiz Escudero, Mar Roxas, Joker Arroyo, Noynoy Aquino, Kiko Pangilinan at Alan Peter Cayetano, at ang mga kongresistang sina Teddy Casiño at Liza Maza dahil panay daw ang depensang ginagawa nila sa pamilya Lopez at Meralco na pahirap sa bayan.
Nakakatulog pa kaya sila gayun naggagalaiti ang madlang people sa katatanggol nila sa Manila Electric Company na pahirap kay kabayan este
Ang masama pati billion of pesos na kunsumisyo este konsumo pala nila sa kuryente ang madlang people ang pinagbabayad.
Naku ha!
Wala na ba talaga tayong pagkilala sa tama at mali?
Tama bang mula 1994 hanggang 2002 ay secretly na ikinarga sa madlang people ng Meralco ang P30 billion income tax nito?
Tama ba na noong 2004 pa ipinatigil ang paniningil ng Meralco ng meter deposits pero hanggang ngayon ay hindi pa nire-refund sa madlang people ang P21 billion meter deposits.
Money ng madlang people ang P30 billion pero P14.4 billion pa ang hindi isinosoli sa atin ng Meralco mula nang mabuking ng Supreme Court ang pangangamote nila at atasan itong mag-refund. Pera din natin ang P21 billion na ibinangko ng Meralco at ewan kung may balak pang i - return ito sa mga consumer.
Sabi nga, buking na karga pa rin ng karga!
Pakipaliwanag mo nga, Rep. Casiño, kung tama na matapos ipatigil ng SC ang provisional increase ng Meralco dahil nilabag nito ang publication requirement ng GRAM o rate adjustment mechanism ay sukat na papalitan ng Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang GRAM ng ICERA?
Bakit pera este
Walang publication clausa sa ICERA! Ibig sabihin, kung hindi makapagtaas ang Meralco ng singil sa kuryente sa GRAM nang walang public hearing, sa ICERA ay pwedeng-pwede! Ang galing ng Meralco at ERC! Pati SC pinapalusutan.
Tingnan na lang ang nangyari sa GRAM. Tingnan rin ninyo ang RA 7832 na ipinangangalandakan ng mga Lopez upang i-justify ang kanilang paniningil ng systems losses, pati na ng kuryenteng Meralco mismo ang kumukunso.
Iginigisa tayo ng Meralco sa sarili nating mantika. Aba’y konsumo ng Meralco, tayo ang nagbabayad. Systems loss ng Meralco dahil sa sarili nitong kapabayaan ay tayo pa rin ang nagbabayad.
Ano ba ito kabayan?
Iyang mga million of pesos na advertisement ng Meralco, inakupo! PR cost yan ng Meralco. Cost pa rin ng doing business. Bottom line, tayong Meralco customers rin ang magbabayad niyan.
Naku ha!
Totoo kaya ang tsimis na si Sergio Osmeña daw ang nagtitimon ng PR ng Meralco?
Abangan.
LLDA, walang political will!
DRAWING as in drawing ang plano ng Laguna Lake Development Authority na wasakin ang mga fish pen dyan sa mga nasasakupan nilang lugar porke alaws silang political will.
Ano ba ito Prez Gloria Macapagal Arroyo, Your Excellency?
Magaling magsalita si lugaw king este mali Ed Manda pala ang bossing ngayon ng LLDA dahil dito ito napunta matapos sipain ni Prez Gloria sa NAIA bilang general manager.
Kaya binansagan Lugaw King si Ed ay dahil siya ang namamahala sa lugawan blues kapag tumatakbo si Aling Gloria.
Sabi nga, taga - timpla. Hehehe!
Kamakailan ay nagyabang si Ed sa harapan ng media sa isang pulong balitaan sa Kyusi na wawasakin niya ang mga fish pen na sakop ng LLDA dahil sa pollution kasi utos daw ito ng panggulo este mali pangulo pala pero up to now ay alaws nangyayari.
Bakit kaya?
May pitsa bang involved?
Matindi kasi ang pleasure este mali pressure pala na ibinabato ng mga owner ng fish pen.
Itutuloy ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kuentuhan natin kapos kasi ang kolum ng Chief Kuwago.
Kamote, abangan mo sa Thursday ito.
- Latest
- Trending