^

PSN Opinyon

Walang perfect intelligence sa BOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PAKAANG-KAANG sa pansitan ang ilang agents ng Customs Intelligence and Investigation Service matapos silang malusatan ng may P160 milllion steel sheets na nadiskubreng naka-hide sa isang pribadong bodega sa Carmona, Cavite.

Sabi nga, under probe sila!

Nakuha ang info sa lespu na members ng Anti-Economic Crime ask force este mali Task Force pala kaya nadale sa bodega ng Steel Pro sa Trece Martires ang mga dinavert na steel sheet.

Napag-alaman galing Taiwan ang epektos na inangkat daw ng Philippine Bonded Warhouse Services, Incorporated para sa accout ng Steel Pro Philippines my Philippines.

Aminado si Customs Commisioner Boy Morales na may failure ng intelihensiya este mali inteligence pala sa parte ng CIIS pero ang pahayag ng una ay kinontra ni Jake Paguntala, ang bossing ng CIIS sa Bureau of Customs.

Ika nga, mag-amo nagkontrahan.

Naku ha!

May mga kamoteng tinanggal sa usaping ito para huwag magkaroon ng pagdudua sa ginagawang investigation and of course para maiwasan ang tampering ng mga document habang nagsasagawa ng pagdo-drawing este mali pangangalkal pala ng mga evidence.

Palusot ni Jake, tungkol sa issue ng failure of intelihensiya este mali intelligence pala na sinabi ni Morales,  hindi daw nila kayang i-cover o tiktikan ang lahat ng importasyon dumarating sa Republic of the Philippines kung bakit siya lang ang nakakaalam.

Ang diversion ng steel sheets ay isang warehousing shipment kaya subject daw ito sa underguarding ng bureau.

Ipinagtanggol naman ni Dino Tuazon, bossing ng intel division ng CIIS ang kanyang amo si Paguntalan imbes na si Morales dahil ang importation ng steel sheets ay properly documented.

Ang pinag-uusapan dtio ay ang nangyaring paglusot ng shipments hindi ang ginagawang trabaho ng mga CIIS. Sabi nga, lumang tugtugin na iyan!

Nagsisintimiento ngayon si Tuazon sa gobierno na alaws daw silang intelligence funds para sa suporta ng kanilang organization kaya manik-luhod ito sa malakanin este mali Malacañang pala na bigyan sila para mapursige nila ang kanilang mga trabaho.

Naku ha!

Bakit ngayon lang ang iyakan blues regarding sa intelligence funds hindi ba noon pa man ay wala naman talaga nito si Commissioner Morales lang daw ang meron at mukhang sinasabing hindi sila binibigyan ng budget ng huli.

Ika nga, kayo ang mag-ayos ng problema ninyo!

Ngayon dahil nagkaroon ng palusutan blues sinasabi ni Tuazon na hindi kaya ng CIIS na bantayan ang mga puerto sa Philippines my Philippines porke kaunti lamang daw sila.

Ang ibig sabihin ni Tuazon siguro sa madlang people dapat na silang humingi ng tulong sa ibang ahensiya ng gobierno para malipol kundi man ay ma-minimize ang sindikato sa Customs.

Kaya tama si Prez Gloria Macapagal Arroyo na buhayin muli ang anti-smuggling group at isailalim ito sa Office of the President. Hindi ba?

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 400 locators sa Clark at sangkatutak ang public at private wharfs hindi pa pinaguusapan dito ang 44 PEZA Economic Zone kaya hirap ang CIIS sa money este monitoring pala.

Ang mga kuwago ng ORA MISMO, ay nagpapasalamat ng marami sa grupo ni Presidential Anti-Smuggling Group bossing Bebot Villar Jr., dahil hindi sila natutulog sa trabahong ibinigay sa kanila ni Pangulong Gloria kaya naman walang humpay ang kampanya nila sa pagtalisod, pagpatid, paghuli at marami pang iba sa mga economic saboteur.

HIndi minamaliit ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang grupo nina Paguntalan at Tuazon pero mismo ang kanilang amo ang nagsasabing failure of intelligence kung bakit na-divert ang epektos sa Cavite.

Buti na lang at may mga lespung nakaamoy nito kung hindi kawawa ulit ang pamahalaan ni Arroyo.

Siguro sa ganitong situasyon dapat magkaroon ng malaliman imbestigasyon todits ang Kongreso o ang Senado para mapag-ibayo nila ang problema sa Customs.

‘Wala palang pondo ang CIIS bakit hindi sila humingi ng funding kay Commissioner Morales na million of pesos ang pondo’ sabi ng kuwagong mambubukol.

‘Saan ba dinadala ni Commissioner Morales ang intelligence funds niya kung hindi niya pala binibigyan ang CIIS?’ tanong ng kuwagong personero.

‘Ang Customs Police kaya may pondo o wala?’

‘Kaya pala ang PASG na lang ang nakakahuli ng mga smuggler at mga bugok sa aduana dahil hindi makagalaw ang mga units sa BOC gawa ng walang budget’  sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Siguro mas maganda kung alisin na ang CIIS at Customs police sa bureaau at ang PASG na lamang ang mag-operate dito mas matipid pa at nakakatiyak na marami ang mahuhuling smugglers’

‘Iyan ang dapat irekomenda sa mga mambabatas para mabago ang batas sa Bureau of Customs’

‘Siguro dapat na rin pag-aralan na ito ng Malacañang at sabihin kay Prez Gloria ang nangyayari dito’

‘May bukulan ba sa bureau?’ tanong ng kuwagong broker.

‘Siguro bakit wala silang pondo’ sagot ng kuwagong mamimitas ng tahong.

‘Ano ang mabuti sa palagay mo?’

“Kamote, ikaw ang sumagot niyan dahil hindi ako mapalagay.’

‘Abangan’

CIIS

COMMISSIONER MORALES

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with