‘Naputol sa taga...’
(Kinalap ni Jezza Balmeo)
“NAKITA KONG tatagain ako kaya’t sinangga ko ng aking braso. Sa halip na mabiyak ang ulo ko isinakripisyo ko na lang ang aking braso. Agad naputol ang braso ko sa talim ng itak na hawak niya. Mga linya mula sa salaysay ng isang complainant na nagpunta sa aming tanggapan upang ireklamo ang mga taong nagtangkang pumatay sa kanya.
Naghilom na ang mga sugat sa katawan ni Fernan Andaya alias
Ang dulo ng kanyang kaliwang kamay ay parang sanga ng isang puno na natigpas. May mahaba siyang peklat sa tagiliran ng kanyang katawan. May mga saksak siya sa likod. Mga palatandaan ng dinanas ni Nan sa kamay ng mga taong inakala na patay na siya. Nabuhay ang taong ito upang maikwento sa atin ang lupit ng mga nakalaban niya na hindi iba sa kanya dahil pawang mga kamag-anakan ng kanyang asawa.
Si Nan ay 38 taong gulang. Siya ay may apat na anak. Nag tatrabaho siya dati bilang Machine operator sa Ever Green Garments sa
Taong 2000 ay nagsara ito. Wala ng iba pang alam na mapapasukan si
Maayos naman ang pagtanngap nila sa pamilya ni Marie. Madalas silang magkakwentuhan sa tuwing tapos na ang mga gawain.
Hindi nagtagal ay nagtrabaho si
“Sinabihan siya ng mama niya na huwag nagpapautang ng gin kasi maliit lang tinutubo dito” kwento ni
Ilang saglit lang ang lumipas dumating ang asawa ng pinsan ni Marie na si Allan Castillo. Inaya ito ni
Hindi nagtagal ay dumating naman ang misis ni Allan na si Maricel. Galit na galit nitong pinauuwi ang asawa ngunit hindi siya pinansin nito. Umuwi na lamang yung babae. Maya-maya habang patuloy silang umiinom ni Allan ay narinig na lamang niya ang boses ng pinsan na lalaki ni Marie na si Ruel Busilig.
“Sinisigawan niya ang misis ko na nakabantay sa tindahan. Sabi niya ’P*#@ng !n& mo ate Marie! Dugo mo pa kaya na ‘di mo mapautang alak pa kaya!,’. Narinig pala kasi ni Maricel ‘yung pag-uusap ng mag-ina ko at nagsumbong sa kapatid niya. Hindi ko sila pinakialaman kasi away magpinsan ‘yun,” kwento ni
Hindi nagtagal nagkakataasan na si Marie at Michael ng boses kaya nagpasya si
“Sinabi ko sa kanya ‘Pare, ano ba ho ang problema?,” hindi ko napansin na may hawak pala siyang kawayan. Nagulat na lamang ako nung bigla niya akong hinampas sa ulo na ikinahilo ko kaya nagdilim ang aking paningin,” dagdag ni
Agad na pumasok si Nan sa loob ng bahay at kumuha ng itak. Bigla naman narinig nito ang boses ng kapatid ni Ruel na si Michael Busilig na sumisigaw ng ‘P*T%ng !#a mo! Lumabas ka dyan!”
Paglabas niya ay wala na umano si Ruel. Nakita niya si Michael na papalapit na sa kanya at nakaakmang tatagain siya ng hawak nitong itak.
“Naiharang ko ‘yung hawak kong itak. ‘Yun yung tinamaan, tumalsik ‘yun. Nang mawala na ang aking itak tatagain niya ulit ako sa ulo ulo naman kaya’t ipangsangga ko ang aking braso. Naputol at nalaglag ang kamay ko. Agad ko ‘yun pinulot saka ako tumakbo kasi tatagain niya ulit ako pero nabitawan ko din ‘yung kamay ko,” kwento ni
Mabilis na tumakbo si
“May dala silang itak at kutsilyo. Duguan na’ko nun at nahihilo na ko. Pagdating ko sa tapat ng bahay ng tiyahin ng misis kong si Melinda bumagsak na’ko,” kwento ni
Dun siya inabutan ng mag-aama. Pinagtulungan siya ng mga ito na saksakin at tagain sa likod at tagilirang bahagi ng kanyang katawan.
“Nagpatay-patayan na lang ako hanggang sa marinig ko si Michael na nagsabi ng ‘Tay, tara na patay na ‘yan,’ naramdaman kong umalis na ang magkapatid pero si Rodolfo naiwan. Bumunot siya ng baril tapos itinutok niya sa aking sintido. Tatlong beses niya ‘yun kinalabit pero hindi ‘yun pumutok,” ayon kay
Biglang bumukas ang pinto ng bahay at lumabas si Melinda. Nakita umano nito si Rodolfo na nakatutok ang baril sa sintido ni
Dinala si Nan sa
“Sabi ng doctor magagawan pa
Si Nan ay nagsampa ng kasong Frustrated Murder sa himpilan ng pulisya sa Calatagan Batangas. Ito ay laban sa mag-aamang Michael, Ruel at Rodolfo Busilig.
Hindi sumipot ang mga taong dinemanda niya sa Preliminary Investigation. Hindi naman nagtagal lumabas ang Resolution.
Nagkaroon na ng Warrant of Arrest para sa kasong Frustrated Murder. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang mga ito.
Si Nan ay nanawagan na kung sino man ang nakakaalam sa kinaroroonan ng mga suspects ay ipagbigay alam agad sa aming tanggapan sa “CALVENTO FILES” o sa pinaka malapit na presinto.
Para sa mga biktima ng krimen or may legal problems maaring tumawag sa 6387285 o di kaya’y magtext sa 09213263166 o 09198972854. Maari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th flr City State Center Bildg.,
UGALIING makinig ng programang “HUSTISYA PARA SA LAHAT” sa DWIZ 882 KHZ sa AM band, Lunes hanggang Biyernes alas 3-4 ng hapon at tuwing Sabado alas 7-8 ng umaga kasama ko si DOJ Sec. Raul Gonzalez at si Jezza Balmeo.
* * *
Email address: [email protected]
- Latest
- Trending