^

PSN Opinyon

‘Oh My Darlene’

- Tony Calvento -

(Kinalap ni Jezza Balmeo)

ANG ISTORYA NI DAR­­LENE JULAO-MA­LELANG ay ipi­narating sa aking tanggapan ng dalawang malapit na kaibigan ni Darlene na sina Maria Cristina Ron­dilla (Mac) at si Jamaica Molbog (Jam).

Dala nila nung una ka­ming magkita ang isang punit na parte ng aking kolum kung saan naka­lista ang aking contact numbers at address. Dala rin nila ang lakas ng loob at pa­niniwala na matu­tulungan ko ang kanilang kaibigan na namatay “un­der suspicious circumstances.”

“Marami na rin ka­ming pinuntahan na taong inakala na­ming na matutulungan kami. Tumanggi sila dahil ma­hirap daw ang kaso. Nagbakasakali kami sa inyo baka mabigyan ninyo ng pansin ang nangyari kay Darlene,” ayon kay Mac.

Pinakinggan ko ang kanilang kwento. Mahirap nga ang pag-iimbestiga kung ano talaga ang nang­yari kay Darlene. Hindi nagtagal at nakilala ko si Marit Julao, ang ina ni Darlene.

Walang tigil ang iyak at pagmamakaawa na tulu­ngan ko sila sa pag­ka­matay ng kanilang pi­na­kamamahal na anak. Hiningi ko ang medical re­cords ni Darlene ng siya ay ma-confine sa Mount Carmel Hospital sa Lu­cena City.

Una akong nakipag-ugnayan kay NBI DIREC­TOR NESTOR MAN­TARING. Nagrequest ako na kung maaring ipa-autopsy ang bangkay ni Darlene.

Ilang buwan na rin na­kalibing ito at na-em­bal­samo kaya’t malaki ang posibilidad na “lu­saw” na ito at marahil wa­lang ma­kikita dito.

Sa Boac, Marinduque nakalibing si Darlene ka­ya’t NBI Region IV ang may jurisdiction dito. Kilala ko ang Chief ng Medico-Legal ng NBI region IV. Si Dr. Antonio Ver­tido. Isang taong de­retsong makipag-usap at sasabihin sa iyo kung nag-aaksaya ka lamang ng panahon at pagod.

Kinausap ko siya para masagawa ng EXHUMATION (paghukay) ng bang­kay ni Darlene sa kahi­lingan ni Marit at nila Mac at Jam.

Matapos maisa-ayos ang lahat ng permits na kailangan, hinukay ng NBI Medicol Legal team ang bangkay ni Darlene sa pamumuno ni Dr. Vertido. Kasama sina Marit, Jam at Mac.

“Habang ginagawa ko ang autopsy sa bang­kay dumating yung asawa at nag­wawala. Ibinalibag yung bag na dala. Tinitingnan ko nga kung may da­lang baril baka papu­tukan na lang kami. Ipinaliwanag ko na tra­baho lang ang gina­gawa ko dahil may request ang mother at mga concerned parties. Sina­bi ko na kung wa­lang dapat itago bakit siya magwawala,” ayon kay Dr. Vertido.

Walang magawa si P02 Don Derrick Male­lang dahil legal ang gina­gawang proseso. Meron kasamang police escort ang grupo kaya puro ngawa na lang daw ang nagawa nitong si Derrick.

Matapos ang autopsy ni Dr. Vertido diretsahang tinanong ko kung ano ang kanyang impression at nakita sa bangkay ni Darlene.

Gaya ng una kong pa­ngamba lusaw na nga ang bangkay ni Darlene subalit merong significant findings si Dr. Vertido na magbibigay linaw sa tunay na nang­yari kay Darlene.

Agad akong nakipag-ugnayan kay former Sandigan Bayan Justice Harriet Demetriou. Si Harriet ay ilang taong Judge sa RTC ng Pasig. Siya ang nagbaba ng ha­tol sa “Sarmenta-Go­mez Rape Slay” kung sa­ang Pitong Death Pe­nalty ang iginawad niya kina former Calauan Ma­yor Antonio Sanchez et al, abogado ng pa­milya ni Ms Nida Blanca laban kina Rod Laurence Strunk et al. Isang Human Rights Crusader na libreng tumutulong sa mga inapi at biktima ng krimen.

Hindi nagdalawang isip si Harriet na tumulong sa kaso. Kinunan niya ng mga “affidavit” sina Marit, Jam at Mac. Kinunan din niya ng pahayag ang ama ni Darlene na si Leovino. Ang pinakahuli ay ang salaysay ng batang kapatid ni Darlene na si Vinah Marie Cristine. Ang lahat ng testimonya ng mga taong nabanggit ay ma­ka­pagpapatunay na si Darlene ay “battered wife.” 

Sinamahan ni Harriet ng personal ang pamilya Julao sa NBI Region IV para maghain ng de­manda sa kasong “Parricide” laban kay Don Der­rick Malelang. Naki­pag-ugnayan naman ako kay NBI Region IV Chief Nelson Bartolome.

Para sa akin ang pi­na­kamabigat na testi­monya ay ang ibinigay ng tatlong taong gulang na anak nila Darlene na si Shiekh.

Maingat at buong tiya­gang kinuha ni Atty. Olga Angustia ng Violence Against Women and Children’s Division (VAWCD) ng NBI kung saan kinunan pa ng video si Shiekh.

Ikinwento nung bata kung paano niyang naki­tang nag-away ang kan­yang mga magulang. Si­nuntuk-suntok umano nitong si Derrick si Dar­lene at inuntog ang ulo. Malinaw na isinalaysay ng bata sa video at ayon kay Harriet isinabmit na nila ito sa tanggapan ng NBI Region IV.

KAMAKAILAN ipi­nadala ni Dr. Vertido ang OFFICIAL REPORT (pho­to copy) sa aking tang­gapan at para sa lahat ng su­musubaybay ng istorya ni Darlene, ayon sa report may nakita dun mga hemorrhages sa bungo ni Darlene na ayon kay Dr. Vertido traumatic injury sanhi ng pagtama ng isang matigas na bagay. Ang Cause of Death ay Epidural Hemorrhage.

Si Derrick ay ipinata­wag ng NBI subalit hang­gang sa sinusulat ko ang artikulong ito hindi pa siya sumisipot.Nakipag-ug­nayan na rin ako sa tang­gapan ni Director General Avelino Razon ng PNP dahil sa reklamo ng pamilya at mga ka­ibigan ni Darlene sa uma­no’y pananakot nito sa kanila.

Naging maingat kami sa aming tanggapan ba­go ko isinulat ang kwento ni Darlene. Ilang buwan din ang aking inantay hang­gang kumpleto ang mga dokumento sa ka­song ito. 

Maraming staff ng aking tanggapan ang humawak na storya ni Darlene. Si Rhea Pa­yuan, Marose Alaon at si Jezza Balmeo upang maihatid sa inyo ng walang kulang at walang dagdag na pamama­hayag. Patuloy pa rin akong nananawagan kay Derrick na lumantad at mag­bigay ng kanyang panig tungkol sa mga pang­yayari bago namatay si Darlene.

KUNG AYAW mo na­man Derrick sa korte mo na lang sabihin ang mga ito. You have a lot to explain kung ano talaga ang nangyari.

MARAMING salamat sa lahat ng sumubaybay at nagbigay ng kanilang reaksyon sa kwentong ito at sa inyong mga panalangin. Mabuhay kayong lahat.

PARA SA MGA BIK­TIMA NG krimen o may legal problems, maaari kayong tumawag sa 6387285. Maaari din ka­yong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Maaari din kayong magpunta sa aking tanggapan sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

* * *

E-mail add: [email protected]

vuukle comment

DARLENE

DR. VERTIDO

KAY

KUNG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with