^

PSN Opinyon

Ano ang kaibahan ng gout sa arthritis?

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ako ay 40 years old na at nakadarama ng pananakit sa aking mga kasu-kasuan lalo na sa may bahaging paa. Hindi pa naman grabe ang sakit at makaraan ang ilang araw ay nawawala rin. Hindi pa po ako makapag-pa-check-up sapagkat kulang pa ang perang pampa-check-up sa doctor. Ano po ba ang pagka­kaiba ng gout sa arthritis? Pakipaliwanag mo naman po. — MARCELO LAFUENTE ng Marinduque

Ang gout ay isang uri ng arthritis at karaniwang nagka­karoon nito ay mga kalalakihang 40 years old pataas.

Suspetsa mo, Marcelo ay baka gout na ang dahilan ng pagsakit ng kasu-kasuan mo sa dakong paa. Ang pinaka­mabuti ay magpa-check-up ka para ganap na malaman ang dahilan.

Gayunman narito ang ilang mga dapat malaman sa gout at kung paano maiiwasan.

Kapag umatake ang gout, napakasakit nito na hindi maaaring indahin ang sakit. Ang mga sintomas ng may gout ay kapag may lagnat at mamula-mula, namamaga at malambot na kasu-kasuan.

Ang mataas ng deposit ng monosodium urate crystals na naiipon sa mga kasu-kasuan ang dahilan ng gout. Nasa dugo ang mataas na level ng uric acid.

Karaniwang ibinibigay sa may gout ang gamot na Colchicine para mabawasan ang pananakit at ang pama­maga. Gayunman, ang Colchicine ay nagiging dahilan ng diarrhea at ang pinaka-serious na side effects ay ang pagkapinsala ng bone marrow. Ipini-prescribed na rin ang nonsteroidal anti-inflammatory drug kasama ang Allopurinol. Ang Allopurinol ay gamot na humahadlang sa production ng uric acid sa katawan. Ang gamot na ito ay kapaki-pakinabang sa mga may mataas na uric acid blood level at ganoon din sa mga may kidney stones. Dapat namang i-monitor ng doctor ang mga gumagamit ng Allopurinol sapagkat ang magti-take nito ay maaa­ ring makaranas ng pana-  n­akit ng sikmura, skin rash, pag-decrease ng white blood cell count at maaa­ring mapinsala ang atay.

Hindi lamang sa hinla­laki maaring tumama ang gout kundi pati na rin sa balikat, siko, daliri, gulugod, baywang at iba pang baha­gi ng katawan.

Paano maiiwasan ang magkaroon ng gout?

•Bawasan ang timbang at ang pag-inom ng alak.

•Bawasan ang pag-kain ng atay, sardinas, dried    beans, asparagus, cauliflo-wer, mushrooms at spinach.

•Uminom nang walong basong tubig araw-araw.

ANG ALLOPURINOL

BAWASAN

DR. ELICA

GAYUNMAN

GOUT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with