EDITORYAL — Salamat sa boksing ni Manny Pacquiao
BOKSING lamang pala ni people’s champ Manny Pacquiao ang makapag-iisa sa mga Pilipino kahit sa loob ng ilang oras lang. Garantisado ang boksing ni Pacquiao na nagdulot ng labis na kasiyahan sa kanyang mga kababayan. Parang tumigil sa pag-inog ang mundo noong Linggo ng ang mga Pinoy ay nakatutok ang mga mata sa kani-kanilang TV sets at inaabangan ang sagupaan nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa
Ano naman kaya kung walang boksing o ano kaya kung wala si Pacquiao? Tiyak na lalo nang nagkahati-hati ang mga Pinoy. Lalo pang magkakaroon ng mga pag-aaway at kung anu-ano pang mga kaguluhan.
Sa loob ng maikling panahon ay pinatunayan ni Pacquiao na sa pamamagitan ng boksing ay kayang pag-isahin ang mamamayan. Noong Linggo ay walang naitalang krimen ang mga awtoridad. Hindi rin nagkaroon ng grabeng trapik sapagkat ang mga motorista ay nakababad sa kanilang mga telebisyon sa bahay. Maging ang mga supermarket ay kapansin-pansin na kakaunti ang mga namimili noong Linggo ng umaga. Bawat isa ay gustong masundan ang bawat round ni Pacquiao. Hindi nila gustong may malampasan kahit isa man lang.
Ipinakita rin ni Pacquiao hindi lamang sa ma-mamayang Pinoy kundi pati na rin sa mga namumuno sa bansang ito na dapat nang pagtuunan ang kahalagahan ng boksing sa mga Pilipino. Kakatawang isipin na ang boksing ay napapansin lamang ng gobyerno kapag may ganitong laban si Pacquiao at pagnatapos na ang laban ay naiwan na naman sa kangkungan.
Bakit hindi gastusan ng pamahalaan ang pag-sasanay ng mga batang boksingero para may makasunod sa yapak ni Pacquaio. Maraming Pinoy ang may angking galing sa boksing subalit dahil sa kakulangan ng pera ay hindi nila maisagawa ang pagsasanay. Sila ang dapat na tulungan. Wala nang iba.
- Latest
- Trending