^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Laging panalo si Imelda

-

MAHIRAP ma-convict ang mga corrupt sa ban­sang ito. Kaya ang kasalukuyang imbesti­gas­yon ng Senado sa maanomalyang national broad­band network (NBN) project ay mawawalan din ng saysay. Sinasayang lamang ng mga senador ang panahon sa makontrobersiyal na proyekto. Walang mangyayari sa paghahanap ng katoto­hanan.

Isa sa magandang halimbawa ay ang nang­yaring pagkakaabsuwelto na naman ni dating First Lady Imelda Marcos sa 32 counts ng dollar salting. Sabi ni Manila City Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr. napawalang-sala si Imelda sapagkat walang nai-prove na kapani-paniwalang ebidensiya laban dito.

Ang kaso na tumagal ng 17 taon bago na-desis­yunan ay nagsimula nang akusahan si Imelda, kasama si dating Ambassador Roberto Benedicto at Hector Rivera na nagbukas ng 11 dollar accounts sa Switzerland sa ilalim ng panga­lan ng 10 foundations. Ang foundations ay linked sa Marcos family. Ang accounts ay may nakade­positong pera na umaabot sa  $863 million. Ang kasong ito ay hiwalay din namang nakasampa sa Sandiganbayan anti-graft court. Gayunman sinabi ni Judge Pampilo na maaari pang ipag­patuloy ang kaso kay Imelda sapagkat si Imelda ay na-clear lamang sa criminal charges.

Hindi na naman napatunayan si Imelda at kahit pa may mga nakasampa siyang kaso na may kinalaman sa pagkamal ng pera ay siguradong mapapawalang-sala siya at ganoon din ang   mga kasama. Kahit na nga sabihin pang matagal bago madesisyunan ang kaso ay pabor pa rin sa dating First Lady dahil napapawalang-sala   naman siya. Walang dapat ipangamba si Imelda sapagkat talagang ganito sa bansang ito, na mahirap mapatunayan ang mga nakagagawa ng kasalanan. Lalo na kung maimpluwensiya.

Mayroon ngang mataas na pinuno na naihatid sa kulungan subalit pinalaya rin matapos pata­warin ng kasalukuyang Presidente.

Mahirap ma-convict ang mga corrupt sa ban­sang ito. Kahit na lantaran ang pagnanakaw ay hindi na pinapansin sapagkat wala rin namang nangyayari.

AMBASSADOR ROBERTO BENEDICTO

FIRST LADY

FIRST LADY IMELDA MARCOS

HECTOR RIVERA

IMELDA

JUDGE PAMPILO

KAHIT

MANILA CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with