Kapabayaan sa mga OFW
KALIWA’T KANAN ang pagsusumbong ng mga migrant organizations tungkol sa kapabayaan ng Philippine Embassy at consulate sa mga kaso at problema ng mga OFW. Sa dami ng mga ulat na negatibo, nagpasya na ang OFW na isumite na rin sa makapangyarihang Commission on Appointments ang pangalan ng mga nagpabayang ambassador at consul, upang matutulan ng kanilang susunod na confirmation para sa foreign assignment o di kaya sa kanilang promotion.
Sa
Walang question na dapat gawing legal ang mga papeles ng mga OFW na ito, upang hindi sila magkaroon ng problema kung sakaling gusto pa nilang bumalik. Ang question ko naman, ay kung bakit hindi na lang kinupkop ng consulado ang mga OFW na ito, sa halip na pabayaan silang matulog sa labas na parang mga pulubi. Kung hindi sila kasya sa consulado, bakit hindi na lang sila hanapan ng temporary lodging? Ang malungkot pa, may kasama silang mga babae, at ang isa sa kanila ay may kasama pang sanggol.
Sa Dubai, United Arab Emirates, may 30 OFWs naman ang nagreklamo dahil hindi daw sila pinansin ng consulado nang sila ay nagpunta upang humingi ng tulong. Sa Doha, Qatar, nag-ulat ang OFW Family Club na walang action si Ambassador Isaias Begonia, Labor Attaché Vivo Vidal at Welfare Of-ficer Hector Cruz sa reklamo ng mga OFW doon.
Ito raw si Begonia ay hindi man lang sumasagot sa mga sulat na ipina dadala ng club para sa mga OFW.
- Latest
- Trending