^

PSN Opinyon

‘May ulcer po ang ina ko’

WHAT’S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

 NAKATANGGAP ako ng sulat mula sa isang reader na nag­ngangalang Luisa Santos ng Pandacan, Manila. Sabi  ni Luisa, “May ulcer po ang nanay kong 70-anyos. Nag­tataka kami kung bakit siya nagka-ulcer gayong hindi naman siya nagpapalipas ng gutom. Sustentado namin siya. Bigyan mo po ako ng ilang kaalaman ukol sa ulcer. Maraming salamat.”

Ang pagpapalipas daw ng gutom ang dahilan ng ulcer. Ganito ang madalas marinig sa maraming tao. Masa-sabi ko lang na walang tiyak na dahilan kung bakit nagkakaroon ng ulcer. Sinasabing dahil ito sa pagpapalit ng mucous membrane sa lining ng sikmura. Itinuturo    ring dahilan ang mucus secretion, acid at ang pepsin production.

Ang ulcer ay maliit na bahagi lamang sa lining ng sikmura na may sukat na 15 hanggang 25 mm. Ito ay hugis oval.

Hindi pangkaraniwang sakit ang nararanasan ng may ulcer. Masakit sa harapan at sa dakong likod at mas masakit bago kumain. Makararanas ng nausea at parang nakalutang pagkatapos kumain.

Ipinapayo sa mga may ulcer na huwag magpa­pa­kabusog at iwasan din ang mga pagkaing matataba at spicy. Iwasang uminom ng kape, huwag uminom ng alak at manigarilyo.

Maaaring magkaroon ng kumplikasyon dahil sa pagbabara ng stomach outlet. Nararapat dalhin kaagad sa ospital ang may ulcer para maoperahan.

BIGYAN

GANITO

IPINAPAYO

ITINUTURO

IWASANG

LUISA SANTOS

ULCER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with