^

PSN Opinyon

Ang kontrobersiya sa TESDA at ang panukala ni Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

PATULOY na umiinit ang kontrobersiya sa Technical   Education and Skills Development Authority (TESDA), dahil umano sa korapsiyon at sa kabiguan ng ahensiya na gampanan ang tungkulin nito na paunlarin ang kasa­nayan ng ating mga manggagawa.

Muling napatunayan ang katumpakan at kahalagahan ng panukala tungkol sa TESDA na iniakda ng aking panganay na anak na si Senate president pro tempore Jinggoy Estrada, na chairman ng Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at  ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Noon pa man ay pinansin na ni Jinggoy sa kanyang Senate Bill No. 585 na bigo ang TESDA na paunlarin ang technical at vocational skills ng mga manggagawa para sana maging attractive ang ating bansa sa mga mamu­muhunan. Ito’y sa kabila aniya ng malaking pondo na ibinibigay ng pamahalaan sa TESDA mula nang itinatag ang ahensya noong Agosto 1994.

Ayon kay Jinggoy, ang kabiguan ng TESDA ang isa sa mga dahilan kung bakit kaunti ang namumuhunan sa ating bansa at kung bakit napakarami sa mga Pilipino ang walang trabaho.

Base sa datos, 2.6-milyong Pilipino ang walang tra-baho -– kabilang ang humigit-kumulang na 1.1-milyong college graduates –- kahit mayroong tinatayang 650,000 available na technical-vocational (tech-voc) jobs sa mga lokal na industriya. Kalakhan kasi umano sa mga manggagawa ay kulang sa skills na kailangan ng mga kompanya. Pinuna rin ni Jinggoy na karamihan sa mga kurso sa TESDA ay hindi tumutugma sa international skills standards na nire-require ng mga multinational firm.

Nakapaloob sa panukala ni Jinggoy ang pag-abolish sa TESDA at paglilipat ng mga gawain, pondo at empleyado nito sa Department of Trade and Industry (DTI). Ito ang isa sa pinakama­bisang paraan para maasi­kaso nang sapat ang pag­papa-   taas ng skills ng ating mga mangga­gawa.

* * *

Para sa mga kababayan nating naghahanap ng ser­bisyo publiko, maaari kayong lumi­ham sa opisina ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin  na hindi po matutugunan ang mga solicitation letter.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with