^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ningas-kugong pagtitipid na naman

-

ISANDAANG dollar na ang isang drum ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Pinakamataas sa kasaysayan. At isa lamang ang ibig sabihin ng pag­tataas na ito ng langis, nakaamba na ang pag­tataas sa petroleum products — gasolina, diesel, liquefied petroleum gas (LPG), kerosene at iba pang produkto. Noong mga huling buwan ng 2007 umu­sok ang balitang aabot sa $100 ang bawat bariles. At heto na nga, nakaambang parang tabak na ba­bagsak sa mga bansang mahihirap na gaya ng Pili­pinas ang pagtataas.

Pero sabi ng gobyerno, katamtaman lamang daw ang magiging pagtataas ng petroleum products sa Pilipinas. Mahirap paniwalaan agad-agad ang sinabi ng gobyerno paano’y sagad na sagad ang ginawang pagtataas ng mga kompanya ng langis noong nakaraang taon, particular na ang “Big Three” — Caltex, Petron at Shell. Ayon sa report, nagkaroon ng 19 na beses na pagtataas ng presyo ang mga kom­panya ng langis. Nagkaroon nga ng rollback pero ilang beses lang at hindi naman mabawi ang madalas na ginawa nilang increase sa presyo.

Ang hinihintay ng publiko ay ang gagawing paraan ng gobyerno para hindi masaktan ang taumbayan sa napipintong gasoline increase ka­ugnay ng pagtataas ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Noong nakaraang Disyembre, sinabi ng Department of Energy na magsasagawa sila ng pagsi­siyasat hinggil sa mga ginagawang madalas na pag-i-increase ng presyo ng gasolina at diesel. Isa sa gagawin umano ng DOE ay ang pagsisiyasat sa mga libro ng “Big Three” para matuos ang kanilang kita at kung bakit sunud-sunod ang ka­nilang pagtataas. Pero biglang nawala ang isyung ito at wala namang marinig kung ano pa ang gina­gawang hakbang ng pamahalaan para hindi ma­hirapan ang taumbayan sa nakaambang pag­tataas ng petroleum products kasama ang liquefied petroleum gas (LPG).

Tiyak na ang unang ipapayo ng pamahalaan kapag rumatsada na ang pagtataas ay ang walang kapagurang linyang “magtipid” o “iwasang mag-aksaya”. Pero kung makikita ang mga opisyal at em­pleado ng gobyerno kung paano mag-aksaya ng gasolina sa kanilang mamahaling Expedition ay nakagagalit. Ningas-kugon sa pagtitipid ang kani­lang nalalaman. Kapag nawala na ang isyu, balik na sa masamang kaugalian.

AYON

BIG THREE

CALTEX

DEPARTMENT OF ENERGY

NOONG

PAGTATAAS

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with