^

PSN Opinyon

Suwerte raw ang magnegosyo sa 2008

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

SA Chinese Astrology, ang 2008 ay Year of The Rat. Na-pa­kagandang taon at masuwerte para sa long term           investments o may mga balak mag-negosyo (ref: www.squidoo.com/2008YearoftheRat).

Para sa maliliit nating kababayan na nag-iisip ng negosyo gamit ang maliit na capital lamang, mag-ingat. Baka kayo ay mapabilang sa network marketing scam.

Karaniwan ang ginagamit nilang front o mascara ay ‘yung mga produktong mabenta, hindi nawawala sa uso at in demand sa panahon ngayon.

Subalit kapag nag-umpisa na ang orientation ng nasabing inaalok na negosyo, dito matutuklasan na ang talagang alok nilang hanapbuhay ay mag-recruit o magpa­rami ng miyembro.

Dito sisilawin nila ang mga tao na mas malaki ang kita kesa sa pagtitinda ng produkto. Irerekomenda pa ng mga mapanlinlang na pasimuno ng network marketing na  gawin itong full time at part time lamang ang produkto.

Kumbaga sa negosyong ito, ang iyong pagkakakitaan ay tao. Kababayan mo na magbabayad ng membership o registration fee at dito ka magkakaporsiyento.

Hindi imposibleng dumoble pa ang bilang ng mga naging biktima ng network marketing dahil ignorante pa ang mga kababayan natin tungkol dito.

Ayon nga sa isang nakapanayan na negosyante ng BITAG, bata o bubot pa ang Pilipinas pagdating sa network marketing. Walang batas na pipigil at wala pang tamang pamantayan sa pagpapakilala nito sa tao.

Ang nasa likod daw nito ay mga mapansamantalang negosyante na ang pamamaraan ay kumita nang malaki sa pagpaparami ng miyembro at hindi tunay na sales at marketing practice sa pagbebenta ng produkto.

Sinipa na raw ang network marketing  sa mga  mauunlad na bansa tulad ng Singa­pore, Malaysia at Indonesia dahil naging scam ito nang abusuhin ng mga nagpa­simuno ng network marketing.

Ibig sabihin, dahil blan­ ko pa ang ating bansa hinggil sa tunay na layu-  nin ng network marketing, marami pang puwedeng maloko at mabiktima nito.

Hangga’t walang mati­bay na batas laban sa inaabusong network marketing asahan natin na patuloy ang pagsusulputan ng mga kompanyang gaga­mit ng ganitong stratehiya.

Aasahan din ng BITAG ang mabilis na pag-akyat  ng bilang ng magiging bik­tima ng mapanlinlang na negosyong ito.

CHINESE ASTROLOGY

MARKETING

NETWORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with