^

PSN Opinyon

Araw-araw Bagong Taon

SAPOL - Jarius Bondoc -

ANG Bagong Taon ay kaarawan ng bawat tao, ani Charles Lamb. Natatangi ang araw kung kelan maari tayong magsimulang magbago. Pagkakataon ‘yon para alisin ang bisyo at asikasuhin ang tama.

Pero hindi kailangan sa Enero 1 lang ipagdiwang ang Bagong Taon. Tinakda lang ni Julius Caesar ang unang araw sa Julian calendar bilang panimula ng trabaho ng mga pinunong Romano. Iba ang opisyal na Bagong Taon sa mga ibang rehiyon at relihiyon.

Kung nakaligtaan mo maglista ngayon ng New Year’s resolutions, hindi pa huli ang lahat. Maari pa humabol sa kahit ano pang ibang Bagong Taon sa mga sumusunod na petsa: Druid, Jan. 8; old Scottish, Jan. 11; Hebrew, Feb. 7; Chinese, Feb. 18; Tibetan, Feb. 26; Sikh, Mar. 14; Persian, Mar. 21; Indian, Mar. 22; Celtic, Mar. 25; Siamese, Apr. 1; Nepali, Apr. 14; Parsi, Apr. 23; Babylonian, Apr. 24; Buddhist, May 26; ancient Greek, June 21; Runic, June 29; Armenian, July 6; Zoroastrian, Aug. 23; Alexandrine, Aug. 30; Russian Orthodox, Sept. 1; Ethiopian, Sept. 11; Coptic, Sept. 12; Byzantine, Sept. 14; Jewish, Sept. 16; ancient Egyptian, Sept. 23; Moroccan, Oct. 3; Samhain, Oct. 31; Hindu, Nov. 12; Jain, Nov. 13; Sikkimese, Dec. 12; Papal States, Dec. 25.

Malay mo, may Bagong Taon pala kahit sa anong 365 araw ng taon. Maari ngang imbis na tradisyon ang sundin ay maging moderno. Gayahin halimbawa ang fiscal year ng Dell Computers: Feb. 1. Nu’n din dinidiwang ang Retailers’ New Year, observed by Wal-Mart, J.C. Penny, Target, Home Depot, Toys R Us, Gap, Kmart, Lowe’s, Staples, at ang Canadian aviation firm na Bombadier. ‘Yung mga mahi­ lig sa Japanese technology, maaring sumabay sa Aeon na nagsisimula ng taon sa Mar. 1. Ang fiscal year ng Cisco Systems ay Aug. 1; Costco, Sept. 1; Disney’s at Siemens, Oct. 1.

Ang importante at itakda ang pinaka-mabisang araw para simulang baguhin ang sarili. Problema nga lang, anang surveys, 55% lang sa atin ang sumusunod sa New Year’s resolutions nang isang buwan, at 40% lang hanggang anim na buwan. Alam na natin kung ano ang ginagawa ng nalalabing 5%. Sila ‘yung karakarakang bumabalik sa masasamang bisyo.

BAGONG TAON

CHARLES LAMB

CISCO SYSTEMS

DELL COMPUTERS

FEB

HOME DEPOT

JAN

JULIUS CAESAR

NEW YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with