EDITORYAL – Patuloy ang Sayyaf sa pangingidnap!
SINO ang maysabing naputulan na ng sungay at pangil ang mga teroristang Abu Sayyaf? Hindi pa sila nalilipol at lumalakas pa sapagkat nagagawa pang makapangidnap. Kahit napatay na ang kanilang lider na si Abu Sabaya at si Khadafy Janjalani nananatili pa rin silang nakatindig at namiminsala. Maski marami sa kanilang kasamahan ang nahatulang mabilanggo nang habambuhay dahil sa pagkidnap kina Martin at Gracia Burnham hindi ito dahilan para matakot sila at hindi na mangidnap. Patuloy pa rin sila sa masamang gawain. Kaya ang inaakala na tumigil na ang mga terorista, isang malaking pagkakamali sapagkat buhay na buhay pa sila at namiminsala.
Patunay sa patuloy na pamiminsala ng mga teroristang Sayyaf ang ginawang pagkidnap sa dalawang lalaki sa Patikul, Sulu noong Huwebes. Nakasakay sa Hummer ang dalawang lalaki na nakilalang sina Rolando Benitez at isang nagngangalang Edmar nang harangin sila ng Sayyaf. Ang Hummer ay pag-aari ng isang mayor. Naganap ang pagharang dakong
Tiyak na ipatutubos ng mga teroristang Sayyaf ang kanilang dinukot. Iyan ang kanilang tatak — ang mandukot at saka ipatutubos.
Walang patawad ang mga terorista na kahit ang mga bihag na babae ay kanilang pinapatay. Isang babaing guro na kanilang dinukot ang tinapyasan ng suso bago pinatay. Dalawang gurong lalaki ang kanilang pinugutan ng ulo at saka ikinalat ang mga ito sa isang palengke sa Basilan. Pati ang isang Katolikong pari ay binunutan muna ng mga kuko saka pinatay.
Iligtas ang mga kinidnap at paigtingin ng Armed Forces of the
- Latest
- Trending