^

PSN Opinyon

Si Luding, ang jueteng king ng CAR

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SI Luding at hindi si Ebeng ang financer ng jueteng sa Cordillera Autonomous Region kaya last Thursday ng lumabas ang kolum ng Chief Kuwago ay tuwang-tuwa ang grupo ni Luding   kasama si Noriega dahil hindi sila nasama.

Naka-concentrate sina Luding sa Baguio, Tabo, Trinidad at ilang pang bayan dyan sa CAR.  Tatlong beses ang bola todit P6 million ang kubransa.

Tumigil daw ang bolahan sa Baguio dahil tumakbo daw ang dating bangka kaya ang grupo ni Luding ang sumalo at siempre si Noriega ang nakiusap para makapasok ang mga kamote sa CAR.

Si Noriega, ay miembro ng kurakot cop. Hehehe!

Samantala, nagmistulang bida sa pelikula si Ebeng, ang financer ng jueteng sa buong Cavite dahil nabanggit ang pangalan niya sa CAR, kaya ang mga foolish cop sa Northern Luzon ay nagtaasan ng kilay dahil ang akala nila ay binukulan sila ni Noriega.

Sorry, Ebeng sa Cavite ka lang pala at magkasosyo pala kayo nii Gani supsupin ng Malabon, ang napabalitang takbuhing bangka porke lumayas ito sa Bicol ng walang paalam sa mga sugarol. Exclusive ninyo pala ang buong Cavite.

Malakas din ang lotteng todits?  Next week ilalantad ng mga kuwago ng ORA MISMO, Region 4-A Director Padilla at Elmer Nepo, just wait and read. Ok!

Ano kaya ang masasabi ni Cavite Governor Ayong Maliksi, tungkol sa talamak na sugalan dyan sa kanyang area of responsibility?

Akala ni Luding, lusot siya sa Chief Kuwago kaya naman ang grupo ng mga kamoteng maintainer todits ay nagluluksuhan sa tuwa.

Ano kaya ang masasabi ngayon ni CAR Regional Director Eugene Martin?

Tiyak wala, dahil kung bubuka ang bibig nito at sasabihin hinto ang dayaan bolahan sigurado ang mga kuwago ng ORA MISMO, na walang kikilos sa kanyang jurisdiction.

Ika nga, stop ang jueteng operation!

Tama ba, kamote?

Ikatuwa kaya ni Martin kung hihinto ang jueteng sa CAR?

Siya lang ang nakakaalam kung magiging happy ito. Huhuhuhu?

Naku ha!

Sangkatutak ang simbahan sa Baguio kahit saan mo ipaling ang pa­ningin mo todits ay may church pero ano kaya ang sinasabi ng kapa­rian sa operasyon ng jueteng marami kasi ang nagu­ gumon todits.

 Mapa-bata o matanda, babae o lalaki, bakla o tomboy, may ngipin o wala, matangkad o unano, mapayat o baboy este mataba pala karamihan ay mananaya.

Isinasama kaya nila sa sermon ang grabeng jueteng sa Baguio? Paging PNP Director Sonny Razon, Sir?

Sa Region 3 - tahimik si Regional Director Errol Pan, sa illegal gambling todits bakit kaya?

Wala bang jueteng sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan? General Pan, Sir?

Just wait ang read po, Sir!

Goodbye, Jatico, Sir!

NAGBIGTI este nagbitiw pala sa puesto si dating General Nilo Jatico, bilang Air Transportation Office bossing sa hindi malaman dahilan yesterday.

Ang karamihan sa kanyang mga employees sa ATO ay umiyak? Hindi po, masaya sila at nawala na ang kanilang bossing?

Bakit?  Sila lang ang nakakaalam nito. Hehehe!

As of yesterday, alaws gustong magsalita kung ano talaga ang dahilan kung bakit nagbigti este nagbitiw pala si Jatico sa puesto niya.

Sabi nga, juicy pa naman?

May ilang kamote ang nagbulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, matagal na raw dapat sinibak si Jatico sa ATO kaya lang pirming natutukuran dahil bata daw ito ng isang Tabako?  Ang hindi lang alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung tabacco sa Northern Luzon o imported brand ang gustong sabihin ng mga tekamots.

Naku ha!

Naging kontrobersyal din si Jatico sa ATO dahil inangalan siya ng onions este union pala todits may hindi pagkakaunawaan ang dalawang parte este panig pala.

Kung anuman, ngayon sila magsalita...hihintayin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ibibigay ninyong information.

Isa pang problema sa ATO, mula daw ng mag-sit down si Jatico sa nasabing office ay dumami ang disgrasiya?

Naku ha!

Ano naman ang magagawa ni Jatico kung nagkaroon ng mga disgrasiya?

Hindi naman siya Lord na puede niyang mapigil ang sakuna?

Tama ba?

‘Wait and see tayo sa ATO’ anang kuwagong sakristan.

‘Paano ang jueteng?’ tanong ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘Sa ATO?”

‘Kamote sa mga sinasabi mo sa itaas”

‘Hindi natin ito lulubayan”

‘May magagawa ka ba?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Sa jueteng?’

‘Hindi sa ATO’

‘KAMOTE, ka talaga!’

CITY

JATICO

KAYA

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with