^

PSN Opinyon

Panawagan ng mga biktimang call center agents

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG reklamo ang kumakalat sa mga e-mail at may ilang linggo na ring pinag-uusapan sa mga blog chats at forums sa internet. Ang mga biktima, mga call center representatives at agents.

Isa ang BITAG sa nakatanggap ng e-mail mula sa isang grupo ng mga newly hired call center agents sa isang call center sa Libis Quezon City.

Ang kanilang reklamo, biktima raw sila ng panlilinlang at panloloko ng isang nagpapakilalang Angelo “Ador” Ma­ wanay.

Matatandaan na ang pangalang ito ang nagpasabog nang maraming isyu at paratang laban kay Senator Ping Lacson.

Bilang pagbabahagi ng kanilang reklamo, narito ang ilang parte ng kanilang e-mail na natanggap ng BITAG…

I’m part of the new hire trainee in a certain call center company located at Eastwood, Libis.  A certain name, who happened to be our batch mate in training, said his name is Angelo “X” Mawanay, he introduced himself as the “Super­ Cop, a Star Witness”. He told us that he is an Entrepreneur and he sells cell phones, laptops and Sony psp on installment basis.

He claims that he still has connections to Customs and he was selling smuggled goods that he got from them. So a lot of us grabbed the chance and trusted him. Some of us gave cash deposits 1000 up to 2000 each, and some of us gave our cell phones to swap as a bond. He even gave his Account number in BDO so that we can just deposit our down payment. He promised to deliver our units the next day but we can’t contact his number. And he never came…

Hindi na inilagay ng BITAG sa column na ito ang e-mail address at pangalan ng mga nag-e-mail dahil sa kahilingan na rin ng mga nagrereklamo para sa kanilang seguridad at proteksiyon.

Nang silipin ng BITAG ang ilang blog chats at forum websites kung saan pinag-uusapan ng iba pang biktima ang isyung ito, ilan sa kanila ay takot nang lumantad at magreklamo.

Ayon sa kanilang usapan sa chat at forums, kung ang Angelo Mawanay na bumiktima sa kanila at ang Angelo “Ador” Mawanay na umaakusa noon kay Senator Lacson ay iisa, wala raw mangyayari sa kanilang reklamo.

Kung isang Senador nga raw ay nakuha nitong bang­gain, hindi imposibleng bali­kan daw sila ng suspek oras na sila ay nagreklamo. 

Subalit marami pa rin ang handang lumaban at magrek­la-mo dahil sila’y naagrabyado at naloko. Sa pamamagitan ng es-pas­ yong ito, ang babala at pana­wagan ng mga nag­re­rek­lamo…

We are not hoping that our money and our cellphones will be returned to us. But at least we want to warn others that ANGELO MAWANAY (THE SWINDLER) has been roaming / hopping thru different call centers and looking for another VICTIM.

Sa BITAG, bawat kasa­ma­an ay may katapat na batas ng kaparusahan at bawat modus ay may katapat na patibong.

Kung sinsero at desidido ang mga nagrereklamo sa kanilang ipinaglalaban walang imposible para mahulog sa BITAG ng kaparusahan ang may kasalanan.

ANGELO

ANGELO MAWANAY

KANILANG

LIBIS QUEZON CITY

MAWANAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with