^

PSN Opinyon

Si Viet Cong ng Sto Cristo!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BINABATI ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Michelle Lamar sa kanyang ika-18 birthday ngayon October 28, 2007.

Iniimbita ni Michelle ang kanyang mga ka­pamilya, kapuso, kamag-anak, kaibigan, kapit­bahay, ka-klase et cetera sa kanyang debut na gagawin sa Celebrity Sports Plaza sa ika- 27 ng October.

Ang isyu, lumutang para muling tumakbo sa karerahan ng kabayo este mali para sa pagka-Barangay kupitan este kapitan pala si alyas Viet Cong, ang sinasabing estapador sa Sto. Cristo, Manila.

Matagal din nagtago si Viet Cong para taguan matapos subain ang kanyang mga inutangang pitsa sa kanilang lugar. Sabi nga, taon din bago lumutang!

Nagpapasalamat ang mga constituent ni Viet Cong dahil alive and kicking pa ito kahit na patung-patong ang kaso.

Akala siguro ni Viet Cong ay mananalo siyang muli para maging burungoy sa kanilang lugar.

Ang hiling ng mga sinuba ni Viet Cong kay Lord ay matalo siya at makalaboso. Aba­ ngan!

* * *

Hindi patas ang labanan sa Muntinlupa

Nagsumbong sa mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga asset nito dahil sa ginagawang pandaraya ng isang animal este mali ama pala na candidate ang son para  sa Sangguniang Kabataan bilang Chairman.

May mga pruweba ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ginagamit daw ang Office ng Business Permit and License Office sa Muntinlupa  ng isang Dupong Po Yee, para makalamang sa eleksyon sa Lunes.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  sa likuran ng nasabing office tinitira ang mga campaign material ng son ni Dupong Po Yee.

Inaalam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung si Mr. Dupong Po Yee ay isang Chinese national dahil kapag ito ay positibo tiyak ang son nito ay disqualified para tumakbo sa eleksyon sa Monday.

Sandamukal na campaign materials ang nakikita ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na inilalabas sa BLPO.  Paging Muntinlupa Mayor Aldrin San Pedro, Your Honor!

Kung totoo man ang report ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat ay aksyunan ito ni Mayor dahil ang eleksyon sa Lunes ay non–partisan.

Sabi nga, hindi puwedeng kampihan ng mga taong gobyerno ang mga bumobotak.

Kung totoo man ang reklamo na ginagamit ang office ng City Hall aba may paglalagyan si Dupong Po Yee! Sabi nga, sa kangkungan siya pupulutin.

Ayon sa reklamo pati raw mga tricycle operator  o drivers todits ay tinatakot na dehins bibigyan ng permiso o huhulihin kapag hindi nila kinabit sa mga sasakyan nila ang campaign material ng anak ni Dupong Po Yee. Naku ha?

Dupong Po Yee, huwag mong pilitin ang ayaw sa iyo, bad iyan !

‘Dapat paimbestigahan ni Mayor ang problema dyan sa City Hall regarding sa paggawa ng campaign materials dyan sa loob ng tanggapan ni Dupong Po Yee” anang kuwagong mandaraya sa eleksyon.

‘Maging patas sa eleksyon’ sagot ng kuwagong haliparot sa cabaret.

‘Dapat maging patas sila para kung manalo sila ay dehins papalag ang mga taga – Muntinlupa’ anang kuwagong SPO10 sa Crame.

‘Kung ako sa kalaban ng anak ni Dupong Po Yee dadalhin ko ang reklamo sa Comelec habang may oras pa para masibak o hindi makasali sa Lunes”

‘Disqualification ang kailangan kamote!’

CITY HALL

DUPONG

DUPONG PO YEE

PARA

VIET CONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with