Colic
ANG colic ay hindi lamang sa mga sanggol umaatake kundi maging sa mga adult. Ito yung pananakit at paninigas ng tiyan. Kaya nga may tinatawag na infantile colic.
Mahirap magkaroon ng colic ang mga sanggol sapagkat hindi mo alam kung ano ang kanilang narararamdaman. Kadalasang ang mga sanggol may edad na dalawang linggo ang nakararanas magka-colic.
Ang mga sanggol ay karaniwang nagkaka-colic sa gabi kaya mapapansin na masyadong malakas ang kanilang pag-iyak.
Sa adult, ang pagkakaroon ng colic ay dahil sa mga hindi natunaw na pagkain na nagiging dahilan ng contraction ng intestinal muscles.
Ang mga sanggol ay nagkaka-colic dahil sa maling paraan ng pagpapasuso. Nagka karoon ng hangin sa kanilang pagpapadede lalo pa nga ang bottle feeding. Kailangan na i-winded ang sanggol habang pinadedede at iwasang masyadong marami siyang nasususong gatas. Tumitigil ang colic ng sanggol kapag apat na buwan na siya.
Sa mga adult na nagkaka-colic, ang pinakasimpleng paraan na gagawin ay ang pagpili ng comfortable position hanggang sa ma-relieve ang sakit at mawala ang sintomas. Hindi naman gaanong serious ang colic.
- Latest
- Trending