^

PSN Opinyon

Super sa ‘lakas’ si Admiral Carlos

- Bening Batuigas -

Dismayado ang mga senior at junior officers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa malamyang tugon ni PCG Commandant Adm. Damian Carlos nang ito’y magtalum­pati nang ilunsad ang Anti-Terrorist Unit na ginanap sa punong himpilan sa Port Area, Manila kamakailan.

Ayon sa aking mga nakausap na mga opisyal, inaantay nila na mapagtuunan ng talumpati ni Carlos ang mala­wakang anomalya sa kanilang hanay katulad ng P314 milyong transaksiyon at ghost project na una kong binul-gar sa kolum na ito.

Iwas pusoy ang ginawang pagbibida ni Carlos sa harap ng mga diputadong tao na dumalo sa naturang okasyon. Nais lamang nilang magbigay linaw si Carlos sa mga proyektong hinukos-pukos umano ng kanyang adminis­trasyon at upang matanggalan ng maskara ang ilan pang opisyal na kakutsaba sa maanomalyang transaksiyon, he-he-he!

Ayaw na umano ng mga senior at junior officers na humantong sa panibagong Oakwood mutiny sa dahilang maaari naman itong maayos sa mapayapang pag-uusap. Tanging paliwanag lamang ni Carlos ang magiging daan upang matigil na ang putik na ibinabato sa kanyang mukha.

Kung patuloy na tikom ang bunganga ni Carlos sa isyung ipinagkakalat ng ilang dismayadong opisyal, kailan pa ito magkakaroon ng kasagutan? Paano mag­kakaroon ng mabuting serbisyo ang sambayang Pilipino sa naturang ahensya?

At habang hindi nagkakasundo ang mga opisyal sa PCG, malaking banta na naman ito sa liderato ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa hinaharap. Kumilos ka na President Arroyo para matuldukan na ang namumuong sigalot sa PCG at nang hindi maging banta sa sambayanan.

Kasi nga naman mga suki, ipinagmamalaki pa umano   ni Carlos na tanging si President Arroyo lamang ang maka­pag-aalis sa kanya sa puwesto bilang Commandant ng PCG, he he-he! Mukhang may malaking halaga este pinagsamahan si Carlos at Presidente. Get n’yo mga suki?

May umuugong na na­man na balita na ipina­rarating sa akin ang ilang dismayadong PCG officers nang ilunsad ang Anti-Terrorist Unit. Ayon sa kanila, ang mga bibilhing bagong baril na gagamitin ng mga sundalo ng PCG para sa mga terorista ay hindi na  dinaan sa bidding.

Ano ba yan mga suki? Hin­di pa nga nasasagot ni Carlos ang milyun-milyong anomal­yang ipinukol sa kanya ay nanganak na agad, he-he-he! Super sa lakas talaga itong si Carlos kung totoo ang akusas­yon ng mga dismayadong opis­yal ng PCG.

Muli kong uulitin na bukas ang column na ito sa magiging kasagutan mo Adm. Carlos para mabigyan mo ng linaw ang lahat ng batong ipinupukol sa iyo.

Abangan!

ANTI-TERRORIST UNIT

AYON

CARLOS

PCG

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with