^

PSN Opinyon

Ang muling pamamayagpag ng Sipa o Tadyak sa CMEC...

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

LIBU-LIBONG padalang packages ang dumadating sa Pilipi­nas mula pa sa ibang bansa. Maaaring ang laman ng mga ito ay simpleng padala o pangregalo ng mga kakilala o kamag-anak man ng  ating mga kababayan mula pa sa ibang bansa.

Sa unang tingin, aakalain mong mga simpleng pada­lang karton lamang. Paano kung ang laman pala ng mga kartong ito ay mga produktong puslit o smuggled?

Kapag hindi mo sinuring mabuti o talagang sadyang pinalampas ito ng mga otorisadong tao na may kapang­yarihang harangin ang mga ganitong klase ng packages, tiyak na malulusutan ang ating gobyerno.

Dahil puslit o smuggled lamang ang mga produkto, hindi ito napapatawan ng karampatang tax o buwis na dapat sana’y regular na ginagawa ng tauhan ng customs sa isang mailing center.

Subalit dahil kakutsaba ang mga opisyales na dapat guma­ gawa ng ganitong proseso, malayang nakakapasok ng ating bansa ang mga puslit o smuggled items mula sa ibang nasyon.

Ang siste, ang buwis na para sa ekonomiya ng Pilipi­nas, sa bulsa na lang ng ilang tauhan ng mailing o exchange center ito napupunta. Bilyones kaagad ang nawa­wala sa ating gobyerno.

Ganito ang sitwasyong nangyayari ngayon sa tang­ga-  pan ng Central Mailing Exchange Center o CMEC kung saan may nakalusot sa kanilang serbisyong Express Mailing   Center (EMS) na mga counterfeited o pekeng smuggled N95 cellphones galling China.

Ang tawag sa sistema kung saan kakutsaba ng tiwaling negosyante ang ilang tauhan ng EMS sa pagpapalusot ng mga produktong smuggled, estilong SIPA o TADYAK.

At hindi na ito bago sa BITAG dahil taong 2005 pa lamang, may trinabaho nang ganito ang aming grupo sa tanggapan din mismo ng CMEC.

Ngayong taon na ito, masakit man sabihin, namama­yag­pag na naman ang sindikato ng sipa o tadyak. Bagay na hindi matanggap ng nagwawala at nakikipag­diskusyong direktor nito na si Oscar Lazo.

Hindi estilo ng BITAG ang manira o siraan ang kredibilidad ng isang tanggapan (kung meron nga bang kredebilidad?). Layunin lamang ng BITAG na ilantad ang katotohanan sa mga katiwaliang naga­ganap saan mang opisina.

Subalit mukhang hin­di katanggap-tanggap ang sitwas­yong pama­mayagpag na naman ng ilang tiwaling tauhan ng CMEC kay Lazo kaya’t abala ito sa kanyang pa­ngangatwiran at pakiki­pagdiskusyon.

Bakit nga ba hindi, nakakainsulto nga na­mang malaman na pini­pindeho at naiiputan siya sa ulo ng ilan sa kanyang dorobong tauhan na na­ki­kipagsabwatan sa ilang tiwaling negosyante.

Gawa at hindi ngawa ang una mong gawin  Lazo. Sinisigurado ko sayong may magandang resul­tang kalalabasan ukol sa bagay na ito ka­pag ku­milos ka.

Subukan mo namang umaksiyon katulad ng pinapangako mo sa ha-rap ng BITAG noon pa mang 2005!

CENTRAL MAILING EXCHANGE CENTER

EXPRESS MAILING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with