‘Ang pagpapakamatay ni Strunk...’
NUNG NAKARAANG SABADO NAGULAT ang sambayanan sa balitang pagpapakamatay ni Rod Laurence Strunk, ang pangunahing suspect sa Nida Blanca murder.
Si Mr. Strunk ay lumundag daw ayon sa mga pulis ng
Iba-iba ang naging mga reaksyon ng mga tao. Galing sa kalihim ng kagawaran ng Katarungan si Sec. Raul Gonzalez,“the jumping of Mr. Strunk effectively clouded the last chapter of this strory — who did it (?) — and carrying out a secret that may be lost forever.”
Sa isang statement na mula sa abogado ni Rod Strunk dito sa Pilipinas, si Atty. Alma Mallonga na ibinigay sa media.
“We, his lawyers are deeply saddened by news of Rod Strunk’s death and concerned that this may be capitalized upon by some to further connect him to death of Nida Blanca,” Mallonga further said.
“Mr. Strunk loved Ms. Blanca, who was his wife for 20 years. He was highly despondent over her death. He struggled mightily to rebuild his life without her. But obviously, he failed. He had nothing to gain from her death and there is no evidence but only cruel speculation to continue linking him to the crime. The unfounded accusations should now stop,” Mallonga added.
Mallonga revealed Strunk had been planning to write a book on the murder of his wife.
“We pray that he finds the peace that eluded him in his life after Nida Blanca.”
“I want to tell Kaye Torres (Nida Blanca’s daughter from a previous marriage) not to pursue the case anymore. I also want to consult a lawyer – to know more about the legal repercussions of his death,” said veteran actress Caridad Sanchez, a close friend of Nida.
Sanchez said Strunk’s death was poetic justice, saying she found it “very ironic” that Strunk also died in a parking lot.
“Why is that he was also found in a parking lot?” asked Sanchez. What is the meaning of his death? It’s like poetic justice.” The person involved is already dead. If he really killed Dory (Blanca’s nickname), there is already judgment from God,” Sanchez added.
Sa amin naman panayam kay Chief Persida Rueda-Acosta ng Public Attorney’s Office (PAO) ay pinagdududahan niya ang pagkamatay ni Strunk ay isang aksidente.
“Kung magpapakamatay si Mr. Strunk bakit sa second floor lang. Ayon sa isang kakilala ko kung ganun ka baba lamang ang babagsakan ni Mr. Strunk, baka mga fracture lang o broken bones. Kaya nga hihingi ako ng kopya mula sa Coroner’s office ng
Maalala na si Chief Acosta at ang Public Attorney’s Office ang siya ngayong tumatayong tagapagtanggol kay Elena dela Paz na isa sa mga nakakaladkad at nadadawit sa pagkamatay ni Nida Blanca.
“Kung hindi nga suicide ang pagkamatay ni Mr. Strunk natatakot ako para sa buhay ni Tita Elena at iba pang testigo na maaring sapitin din ang di kanais-nais na pangyayari,” dagdag ni Acosta.
Sa ganang akin, ang hindi pag-iwan ng SUICIDE NOTE ni Mr. Strunk ay isang palaisipan.
Ayon din kay Deputy Director Edmund Arugay ng National Bureau of Investigation unang naatasan kumalap ng ebidensya at mag-imbestiga sa kaso ng pagpatay kay Nida Blanca nung Regional Director siya ng National Capital Region (NCR),
“Ang normal behavior ng isang taong magpapakamatay ay mag-iiwan ito ng suicide note. Karamihan sa aking naimbestigahan sa mahabang panahon biiang NBI agent ang mga nagsu-suicide ay nag-iiwan ng note upang magbigay lead sa kanyang gagawing pagkamatay,” sabi ni Arugay.
Iba’t-bang angulo ngayon ang dapat tignan. Kung si Strunk ay nagpamatay ba o aksidente ang kanyang paghulog mula sa kanyang hotel balcony. Pinatay ba siya para patahimikin?
Gusto ko ring sabihin sa umpisa pa lang ay hindi kami nagbubunyi sa pagkamatay ni Strunk. Umaasa rin kami na makamtan niya ang kapayapaan.
Nais ko ring punahin ang mga sinabi ng mga abogado ni Strunk na mabilis na nagsalita na ang pagpapakamatay ni Strunk ay maaring gamitin ng ibang tao sa pag-uugnay nito sa pagkamatay ni Nida Blanca. Kung ganun ang linya ng kanilang pag-iisip hindi rin maaring gamitin ito para linisin ang pangalan nitong si Strunk sa pagkamatay ni Nida. Napakatagal na panahon naman ang reaksyon ni Strunk kung ang nagtulak sa kanya sa pagpapa-kamatay ay dahil sa sobrang pagkalungkot nito sa sinapit ni Nida.
Despondent si Strunk? Kaya pala nagpakasal siyang muli nung December at hindi nagtagal ang kanilang pagsasama. Isang kaibigan ni Strunk sa America ang nagpahayag na si Strunk daw ay naging labis na malungkutin at madalas uminom ng alak bago ito tuluyang nagpakamatay.
Bago kaya ang bagay na ito? Ang labis na pag-inom ni Strunk ay hindi na bago kung paniniwalaan natin ang lahat ng mga isiniwalat ni Ms Elena dela Paz sa kanyang huling Counter Affidavit na inyong mababasa sa mga susunod na araw. Dito, eksklusibo sa “CALVENTO FILES” sa PSNGAYON. Abangan sa Lunes.
Kayo mga kaibigan ano ang nasa isip ninyo? Itawag sa 6387285 o I text sa 09213263166 o sa 09198972854.
E-mail address: [email protected]
- Latest
- Trending