^

PSN Opinyon

Mahina ang reklamong naisampa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

NAGHAIN ng kasong unlawful detainer ang mag-asawang Ramos laban sa mag-asawang Go sa Municipal Trial Court (MTC).  Sa reklamong inihain, iginiit ng mga Ramos ang mga sumusunod:  na nabili nila  ang lote mula sa isang realty company at nairehistro ito sa kanilang pangalan;  na inokupahan ng mga Go ang lote sa pamamagitan ng pagtatayo ng bahay nang walang anumang anyo ng titulo;  na ang mga Go ay patuloy sa pagtangging lisanin ang lugar sa kabila nang kanilang pakiusap sa mga ito;  at kahit na naisangguni na ang reklamo sa kanilang barangay, patuloy pa rin ang mga Go na tumangging makipagkasundo kaya napilitan na ang kanilang kapitan na mag-isyu ng certificate to file action. 

Bilang sagot sa  reklamo, iginiit ng mag-asawang Go na hindi nabanggit ng mga Ramos sa demanda nito ang mahalagang alegasyon na susuporta sa reklamong ejectment o sapilitang pagpapaalis;  na ang pananatili nila ay ilegal.  Dapat ding sinabi sa demanda na ang igi­nawad nilang naigawad nilang karapatan sa pag-okupa ng lote ay nagtapos na o kaya ay itinigil na nila ang pagkunsinti sa kanilang pananatili sa lote.  Tama ba ang mag-asawang Go?

TAMA.  Ang reklamong unlawful detainer ng mga Ramos laban sa mga Go ay hindi mabibigyang-katwiran dahil hindi naisaad ang mahalagang alegasyon tulad ng ilegal na pananatili sa lote ng mga Go.  Ang tanging nakasaad sa reklamo ay ang pag-okupa ng mga Go sa lote sa pamamagitan ng pagtatayo ng bahay nang walang anyo ng titulo kung kaya’t naipagkait sa mga Ramos ang pamumusesyon doon.  Hindi rin nabanggit kung paano nakuha ng mga Go ang pamumusesyon at kung paano at kailan nagsimula ito.  Wala ring umiiral na kontrata sa pagitan ng mga partido.

Masasabing ang pag-okupa ng mga Go ay palihim na ginawa, lingid sa kaalaman ng mga Ramos kung kaya ang pamumusesyon ng mga ito ay isang forcible entry o sapilitang pagpasok at hindi isang unlawful detainer o ilegal na paghawak at pagtira sa lote. Kaya, ang MTC ay masasabing walang kapangyarihang magpasya sa kasong ito dahil hindi nabanggit sa reklamo ang alegasyon ng hurisdiksyon. Gayunpaman, kung totoo mang ang titulo ay sa pangalan ng mga Ramos, maaari silang maghain sa RTC ng accion reivindicatoria o aksyon upang mabawi ang kanilang pagmamay-ari at pamumusesyon sa nasabing lote (Spouses Valdez vs. Court of Appeals, G.R. 132424, May 4, 2006).

COURT OF APPEALS

LOTE

MUNICIPAL TRIAL COURT

RAMOS

SPOUSES VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with