^

PSN Opinyon

PNCC clarifies reports on SLEX toll rates

-

WALANG MAIDUDULOT na kabutihan ang sobrang pag-inom ng alak. Marami riyan umiinom ng sobra para maging dahilan na makapag-umpisa ng gulo. Kaya ang pag-inom ng sobra ay hindi lamang sakit sa ulo ang dulot nito at problema kundi kapahamakan.

Nagsadya sa aming tanggapan si Nilda Matias ng Muzon, Malabon upang humingi ng tulong na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanyang anak.

Hindi maiiwasan na tuwing may okasyon, may umiinom lalo na kung sasalubungin ang Bagong Taon. Magkakalapit lang halos ang bahay ng mga Matias kaya naman madalas ay sila-sila ring magkakamag-anak ang magkakasamang nagka­kasiyahan.

Ika-1 ng Enero 2006 nang magkaroon ng gulo sa pamilya ng mga Matias. Sinuntok ni Erwin Martin si Reynaldo Matias nang minsang magkainuman ang mga ito. Ayon kay Nilda, madalas din may nag-iinuman sa bahay ng mga Martin. Nagka­roon ng gulo subalit hindi na nireklamo pa ni Reynaldo ang ginawang panununtok sa kanya bagamat nagkaroon ito ng sugat at isa pa ay magkaka­pitbahay at magkakaibigan din ang kanilang mga pamangkin.

 Inakala ng mga Matias na lumipas na ang gulong nangyari noong nakaraan taon dahil walang anumang gulo pang nang­yari. Ito ay ipinagpapasalamat ni Nilda. Mapayapa ang pagsa­lubong nila nitong Bagong Taon subalit hindi pala magiging maganda ang taong ito sa kanila sapagkat makalipas lamang ang ilang araw isang trahedya ang dumating sa kanilang pamilya.

Ika-13 ng Enero 2007 ng gabi, nag-iinuman sa tapat ng bahay nina Rodante Matias, ang kapatid nitong si Reynaldo at ang pamangkin nitong si Ronnie Boy. Huli na nang makainu­man nila si Rodante at pagkaraan naman ay ang pinsan nilang si Leonardo ang dumating na dala ang kanyang tricycle at ito ay nakainom na rin.

Samantala, nag-aalaga naman ng kanyang anak noon si Ronil kaya naman wala naman itong balak na makisali sa inuman ng kapatid at mga tiyuhin. Lumabas lamang ito para manigarilyo subalit natawag pa rin siya para tumagay. Pinag­bigyan naman ni Ronil ang alok sa kanyang tagay at pagka­tapos ng ilang tagay ay nagpasya na ang magtiyuhin na Rodante at Ronil na ihatid na si Leonardo sa bahay nito na hindi naman kalayuan sa kanilang bahay.

“Sumakay sina Ronil at Rodante sa tricycle ni Leopoldo para siguruhin lang na maayos na makakauwi si Leopoldo. Pagbalik naman ay naglakad na lang sila,” kuwento ni Nilda.

Bandang alas-10 ng gabi sa Kaunlaran St., Muzon, Malabon nang maganap ang insidente. Sa kanilang pagbalik ay madaanan nila ang bahay nina Elvin Jay Martin, isa sa mga suspek sapagkat ‘yun lamang ang maaari nilang daanan. Nagulat na lamang ang magtiyuhin na Ronil at Rodante nang bigla na lamang lumabas mula sa kanilang likuran sina Erwin at Elvin Jay. Walang sabi-sabi ay bigla na lamang pinalo ng kahoy ng mga ito si Ronil nitong si Erwin at pagkatapos naman ay si Elvin Jay naman ang sumaksak dito.

 Tutulungan na sana ni Rodante ang pamangkin subalit siya naman ang binalingan ng mga suspek. Sinuntok siya Erwin habang si Elvin Jay naman ay sinikwat siya ng panaksak na ginamit din kay Ronil. Nadaplisan lamang si Rodante kaya naman ang ginawa niya ay tumakbo palayo sa pinangyarihan ng krimen upang humingi ng saklolo sa ginawang pananaksak sa kanila ng magtiyuhin na Erwin at Elvin Jay. Sinubukan din ni Ronil na makatakbo subalit hinabol pa rin siya ng mga suspek.

Samantala inaabangan naman ni Ryan Matias, kapatid ni Ronil ang pagbalik ng dalawa. Nang makita nina Erwin at Elvin Jay si Ryan ay umatras na ang mga ito habang si Ronil naman ay bumagsak sa kanyang harapan dahil sa tama ng saksak na tinamo nito. Nagdatingan na rin ang pamilya ng mga Matias at pagkatapos ay dinala sa ospital ang dalawang biktima. Subalit hindi na umabot pang buhay sa ospital si Ronil.

Agad naman nilang inireport ang nangyari ng insidente sa himpilan ng pulisya upang magsampa ng kasong Murder at Attempted Murder laban sa mga suspek na sina Erwin at Elvin Jay habang si Allan Escueta naman ay kinasuhan din matapos nitong tumulong na patakasin ang mga suspek. Nagka­roon ng preliminary investigation sa Prosecutor’s Office ng Malabon. Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang akusasyon laban sa kanila. Sinasabing pinagbabato nina Rodante at Ronil ang kanilang mga bahay.

 “Pinapalabas nila na ang anak ko at ang bayaw ko ang nagsimula ng gulo samantalang hindi naman ‘yun ang talagang  nangyari. Hindi magagawa ng anak ko ang mang­gulo gaya ng ibinibintang nila. Sila na nga ang nakapanakit na ikinasawi ng anak ko, kung anu-ano pang kuwento ang iniimbento nila,” pahayag ni Nilda.

Ayon pa kay Nilda, pananaksak sa kanyang anak na si Ronil ay sa isa niyang anak ibinibintang, kay Ryan na itinanggi nila at sinabing gawa-gawa lamang ito ng kanilang kalaban. Nag­bigay din ng pahayag si Rinalyn Osita, isa sa mga testigo na nakakita sa ginawang pananaksak ng suspek sa biktima.

Lumabas ang resolution subalit na-downgrade ang kaso sa Homicide at Attempted Homicide na lamang. Nag-file sila ng Motion for Reconsideration subalit ganoon pa rin ang naging resolution sa Piskalya kaya naman nag-file sila ng Petition for Review sa tang­­gapan ni Department of Justice Secretary Raul Gonzalez. Uma­asa silang mabibigyan ng hustisya ang nangyari sa mga biktima.

Para sa mga biktima ng karahasan, pang-aabuso o anumang krimen o legal problems maaari kayong tumawag sa 6387285 o ’di kaya’y sa 6373965-70. Maaari rin kayong mag-text sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

MASDAN NINYONG MABUTI ANG LALAKI NA NASA LITRATO. Mag-ingat kayo rito. May kaso itong QUALIFIED THEFT o pagnanakaw. Siya si Arnold Amolo. Siya ay 24 na taong gulang, payat at maiitim. Ang kanyang huling address ay sa Maligaya 4, Brgy. San Vicente, San Pedro Laguna. Kinan­sela na rin ang kanyang lisensya ni LTO Chief Reynaldo Berroya. Kung siya man ay driver ninyo illegal ang kan­yang pagmamaneho at maa­aring malagay kayo sa pa­nganib at mada­may sa kanyang kaso. Ipagbigay-alam lang sa amin kung meron kayong alam sa kanyang kinaroroonan.

* * *

E-mail address: [email protected]

ELVIN JAY

ERWIN

NAMAN

RODANTE

RONIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with