^

PSN Opinyon

Driver todas sa holdap

-

KAPAG pinag-uusapan ang lumalalang sitwasyon sa edukasyon, tuon ng pansin ng lahat ay sa nangyayari sa mga paaralan. Nu’ng 2004 halos 10.5 milyon ang ele­mentary pupils edad 6-11, pero wala pang 1% (105,000) ang natutong lubos para mag-high school. Halos 3.4 milyon ang high school students edad 12-15, pero wala pang 10% (340,000) ang handang mag-college. Kulelat ang Pilipinas sa exam sa Math at Science ng mga bata sa Grade 4 elementary at 2nd year high school sa 45 bansa. Dalawa lang sa bawat lima ng 500,000 public school teachers ang nag-train sa subjects na itinuturo nila. Kulang pa ang classrooms; nagsisiksikan ang 50 bata kada klase, at half-day na lang ang pasukan para magkasya lahat. Dahil sa lahat ng ito, nasa krisis ang sistemang edukasyon.

Kokonti lang ang nakakabatid na kalahati lang ‘yon sa lumulubog na sistema. Meron pang kalahati na dapat ipaalam dahil nakakakilabot rin:

• Merong 2 milyong batang edad 6-11 ang wala sa elementary school dahil malayo ang tirahan o pinagta-trabaho sa murang edad;

• Merong 4 milyong batang edad 12-15 na wala sa high schools dahil mahina sa elementary o nagtrabaho na o tinamad at nagloko;

• Idagdag pa diyan ang 10.5 milyong Pilipinong edad 16-77 na illiterate o innumerate — hindi marunong bumasa, sumulat o bumilang.

Kung pagsasama-samahin, 16.5 milyon silang mga bata at adult na napag-iiwanan ng panahon — hindi makakapag-hanapbuhay nang matino dahil kulang sa basic skills. (Kasing-dami sila ng 16.5 milyong estudyante sa elementary, high school at college.) Paano makaka­pagmaneho man lang kung hindi makabasa ng test questions sa pagkuha ng driver’s license. Paano mag-a-apply ng trabaho kung hindi man lang maisulat ang pangalan? Paano magnenegosyo kung hindi alam ang bayad at sukli?

Nilunsad ng Department ang Bureau of Alternative Learning Systems (sa ilalim ni Dir. Carolina Guerrero) para harapin ang problemang ito. Pero kulang ang budget: P230 milyon lang o 0.17% ng P134.7 milyong budget ng DepEd. Sa 500,000 teachers nga, 800 lang ang sa Bureau.

BUREAU OF ALTERNATIVE LEARNING SYSTEMS

CAROLINA GUERRERO

DAHIL

DALAWA

LANG

MERONG

PAANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with