^

PSN Opinyon

Mag-ingat kayo sa modus ng carnappers!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
TAONG 2000 hanggang 2002, naging mainit ang Quezon City sa mga mata ng carnapping syndicate.

Dalawang estilo ng carnapping ang naisasagawa ng mga masasamang-loob na ito. Una, ang forcibly taken, o sapilitang pagkuha ng sasakyan sa biktima.

Tututukan ng mga carnappers ang kanilang biktima at pabababain ang driver nito o hindi naman kaya, isasama nila ito at pababain sa ibang lugar tangay na ang sasakyan.

Pangalawa, ang stolen while park, na kadalasan ang mga nabibiktima ay mga tangang driver. Iniiwan nila ang kanilang sasakyan bukas ang makina o di naman kaya nasa loob ang susi. Sa mga parking area ng mga convenience store o sa mga tindahan kung saan ang nasa utak ng mga driver ay sandali lamang sila, subalit ang hindi nila alam mas mabilis ang mga carnapper sa pagtangay ng kanilang sasakyan. Nagtatagumpay ang modus na ito oras na mayroong oportunidad at hangarin ang mga masasamang-loob sa kanilang pangangarnap.

Segundo lamang naisasagawa nila ang modus na stolen while park at forcibly taken ng sindikato sa likod nito.

Bagamat bahagyang nabawasan ang mga insidente ng carnapping dahil sa pagiging aktibo ng mga alagad ng batas, patuloy pa rin sila sa pamamayagpag at nagagawa ng sindikato na mas maging maingat.

Sa napabalitang "shoot-out" daw kamakailan sa pagitan ng Traffic Management Group sa mga hinihinalang carnappers sa Quezon City, dito naalarma ang mga carnappers at ngayon ay nagpapalamig.

Anumang oras mula ngayon, puwede muli silang maging aktibo oras na may oportunidad.

Simple man ang estilo ng modus ng mga masasamang loob na ito, maging maingat pa rin ang sinuman, mayaman man o mahirap, nabibiktima ng ganitong klaseng modus. Mag-ingat, mag-ingat!

ANUMANG

BAGAMAT

DALAWANG

INIIWAN

NAGTATAGUMPAY

PANGALAWA

QUEZON CITY

SEGUNDO

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with