^

PSN Opinyon

Black-Eye P.

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
Knockout si Solis! Masaya na naman ang Pinoy. Subalit imbes na gumanda ang papel ng Pilipinas sa mundo, BLACKEYE na naman tayo sa murder ng amerikanang si Julia Campbell.

Si Campbell ay volunteer worker ng U.S. Peace Corps. Naging reporter ng tanyag ng New York Times na nag-resign nang maganap ang trahedya ng 9/11 sa New York City. Naisip niyang napakaikli ng buhay. Saan kaya siya makakatulong ng malaki? Itong nakalipas na dalawang taon, siya’y nakatulong sa Bicol bilang English teacher sa lokal na Kolehiyo at nanguna rin sa mga RELIEF efforts sa TYPHOON REMING. Natuto ngang mag-Tagalog. Aniya: "Minsan mahirap, pero masaya kami sa pagtulong." Kita mo Pacman, maraming paraan ng pagtulong bukod sa pagtakbo sa Kongreso.

Sayang at ang magandang intensyon ni Julia ay nasalaula. At kahiya-hiya ang isinukli sa kanyang paghihirap. Ang survivor ng 9/11 bombing, hindi natakasan ang peligro ng Pilipinas.

Electioneering. Isinumbat ni GMA sa mga lokal na opisyal ang napakarami nang naitulong ng Malakanyang at "pinaalalahanang" mas maraming proyekto pang mapapadpad sa kanilang probinsiya kapag maipanalo ang Team UNITY ticket.

Garapalan na talaga. Ang pondo ng bayan ay para sa lahat. Hindi ninyo karapatan ang ibahagi lamang ito sa kapartido. Sino ang matutuwa na ang buwis na binayad nung Lunes ay i-kokorner lang ng Palasyo upang ipamahagi sa kakampi? At violation din ito ng election laws. Dagdag dahilan ito upang ipadama sa nakapuwesto ang dismaya sa ganitong uri ng pulitika.

Back to Pac. Ganda ng ginawa ni Congresswoman Darlene Antonino Custodio na isantabi ang pulitika at bigyan ng mainit na pagsalubong ang people’s champion Manny Pacquiao sa Gen. Santos City. Ang paslit na Kongresista ay naging higante sa kanyang pakikipagkumbaba at pakikiisa sa madalas na sigaw ni Pacquiao na pang UNITY siya. Sport lang, walang puli tika. Sayang at hindi ito tinapatan ni Mr. Pacquiao. Tinang gihan niya ang alok na sumakay sa float kasama si Congresswoman Darlene at si Mayor Acharon na kasalukuyang mga kinatawan ng GenSan. Ah, siguro nasanay na mas malaki at mataas ang katayuan niya bilang Champion. Dapat siguro ipaalala kay Manny na sa papasukin niyang larangan, hindi siya ang bida. Sa lingkod bayan, the People are the Champion. Kaunting kumbaba Mr. P.

CONGRESSWOMAN DARLENE ANTONINO-CUSTODIO Special Grade: 92

CONGRESSWOMAN DARLENE

CONGRESSWOMAN DARLENE ANTONINO CUSTODIO

JULIA CAMPBELL

MAYOR ACHARON

MR. P

MR. PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with