^

PSN Opinyon

Tugon ng Thailand sa mahal na gamot

SAPOL - Jarius Bondoc -
NASA kaliwa lang ng Pilipinas sa mapa ang Thailand. Magkamukha ang Thais at Pinoys. Pareho ang mga produkto, halos magkasing-halaga ang mga pera, magkatulad ang mga suliraning panlipunan. Sa tugon nagkaiba.

Tulad ng Pilipinas, matagal nang umaangal ang Thailand sa tindi ng presyo ng gamot. Nirerespeto ng Pilipinas ang product patents ng drug firms, pero nag-aangkat ng parehong tatak sa mas murang halaga sa India at Pakistan. Ang Thailand, napuno na sa imoral na tubo ng multinationals. Pinawalambisa ni health minister Mongkol na Songkhla ang patents ng dalawang gamot sa HIV/AIDS at isang pangsakit sa puso. Katuwiran niya, maraming Thais ang hindi makabili ng gamot, at hindi ito kayang tustusan ng gobyerno. Kaya, aniya, ipapakopya na nila sa ibang kompanya ang ingredients ng tatlong gamot.

Hindi maiisip gawin iyan ng sinumang lider sa Pili pinas (maliban siguro kung manalo ang rebolusyon nina Joma Sison at Ka Roger Rosal). Binabalak pa lang ng sinuman mag-override ng drug patents sa Pilipinas, pinipilipit na ng drug cartel ang braso niya. Malamang masibak siya sa puwesto, o ibagsak ang gobyerno niya. Aba’y bumili lang si Philippine International Trading Corp. president Obet Pagdanganan ng pitong tabletas sa India na pang-hypertension, idinemanda na siya ng Pfizer ng patent infringement.

Pero matapang si minister-doctor Mongkol. Kat- wiran niya, military junta naman ang namumuno sa gobyerno kaya matigas sila. Wala namang mawawala kung labanan niya ang multinationals, na mas malaki ang ginagasta sa marketing kaysa research and deve lopment. Kaya nagbanta siya na tatlo pang gamot pangsakit ng puso ang tatanggalan ng patent.

Ano ang naging tugon ng drug firms? Ang Merck, may-ari ng isa sa dalawang ni-liberalize na gamot sa HIV/AIDS, ay tahimik na sumuko: Kinalahati ang presyo ng gamot. ‘Yung tatlong binalaan na tatanggalan din ng patent, nangakong magbabagsak-presyo.

Leksiyon: Paminsan-minsan, dapat daanin sa gulatan.

ANG MERCK

ANG THAILAND

GAMOT

JOMA SISON

KA ROGER ROSAL

KAYA

MONGKOL

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with