Short and ‘Tol
March 14, 2007 | 12:00am
Sa mga "Boys" na kandidato sa Senado, maging SPICE boys man o BRIGHT boys, isa na si Mike Defensor sa pinakakilala. Nag-umpisang konsehal ng Q.C., naging Congressman bago nahirang na Cabinet member ni GMA. Sa edad 37 ay nahigitan na ni Defensor ang rekord ng maraming pulitiko. At hindi ito nakuha sa kasikatan. Sa kanyang pakikilahok sa halos lahat ng mahalagang usaping pambayan ay nakilala ang pangalang Defen- sor sa sarili nitong kakayahan. Maari na nga siyang magretiro at magmalaki. Ngunit dahil ito na ang karerang napili, mapalad ang bansa na may tatlong dekada pa sigurong serbisyong mapipiga sa kanya.
Malayo na ang narating ni ‘TOL mula sa mga una niyang mga araw bilang National figure. Dumadagondong ang pagputok sa eksena ni Defensor. Binulgar ng batang Congressman ang aniyang suhulan sa kontrata ng North Luzon TOLLway. Inabutan daw siya ng PhP200,000 para bumoto. Kailangan ipaalam ito sa taong bayan, quesihodang walang pruwebang dokumento at maraming masagasaan. Bata yata ito, walang inuurungan! Ngunit nang itanong kung sino ang nanunuhol, biglang umurong. Matapos maramdaman ang malaking pagkadismaya ng tao dahil sa ang inaakalang batang tsampiyon ng katotohanan ay nilamon din ng sistema, natuto siya ng leksiyon. Mula noon, wala nang inurungan si Defensor. Sumikat bilang SPICE boy sa kanyang maaanghang na pagbatikos sa mga inaakalang baho ng administrasyong ESTRADA.
Lahat yan ay nagbago mula nang nabigyan ng pu-westo sa pamahalaang Arroyo. Ngayon, walang inuurungan dahil walang binubulgar. Parang kakuntsaba pa sa pagtikom bibig sa dinamidaming umaalingasaw na isyu tulad ng GARCI, BOLANTE at PIDAL. Mula sa pagiging bantay ng bayan, siya na ngayon ang bantay ng Malakanyang laban sa bayan. Sa TEAM Unity, siya ang pangunahing manok ni GMA. Malinaw na ang boto para kay ‘TOL ay bo-tong aprub ka kay SHORT.
Si Defensor ay tapos sa U.P. kung saan siya’y may degree sa History at Master’s sa Public Administration. Dating kalihim ng DENR, HUCC at Presidential Chief of Staff. Plataporma niya ang "anti-corruption", housing at agrarian reform.
MICHAEL DEFENSOR Kwalipikasyon : 85 Plataporma: 85
Rekord: 90
Paninindigan: Short

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest