^

PSN Opinyon

Pangakong hindi mapapako

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
TUMATAAS ang tuition fee sa Navotas Polytechnic College, kaya gustong tulungan ni Rep. Ricky Sandoval na paglaanan ng educational o scholarship fund upang makahabol sa mga modernong kolehiyo ngayon at makatulong ng malaki sa mga mag-aaral nito.

Malapit ng maging Siudad ang Navotas pangako ni Ricky kaya magkakaroon ito ng P150 Million allocation galing sa Internal Re-venue Allotment from the National Government.

Sa pitsang matatanggap from IRA nanini-wala si Ricky na dapat itong ilaan upang paunÿlarin ang nasabing Polytechnic College.

Sangdamakmak ang crying ng mga magu-lang porke tumataas ang matrimony este mali matrikula pala dati P750 lang ang ibinabayad sa school pero ngayon P2,000 na.

Kahit tumaas ang arinola este mali matrikula pala walang pinagbago sa antas ng teaching ganuon pa rin tulad ng dati.

Alaws computer ang mga students pero may kurso pa naman dito na computer science o information technology?

Tutulungan ni Ricky ang mga magulang ng mga students sa NPC dahil pabababain niya ang presyo ng gasoline este tuition fee at patataasin niya ang antas ng teaching.

Sabi nga, 1+1 = 3? He-he-he!

Balak palang tumakbong Alkalde ng Navotas si Ricky ngayon Mayo 14 at kung mananalo versus kay Mayor Toby prioridad niyang ibaba ang tuition fee, dagdagan ang sahod ng mga guru este guro pala at bigyan ng mga bagong kaga–mitan ang eskuelahang pinag-uusapan natin.

Bakit ba ang hindi!

Sabi nga, yearly sufficient educational fund.

Ito ang sagot sa problema ng school.

Basta naging Siudad ang Navotas tiyak magkakaroon ng malaking pagbabago ang mga constituents ko.

May 3,000 students pala ang NPC na patuloy na nagsusumikap sa kanilang studies para marating ang tagumpay sa kanilang life.

Noong 1998, matapos magawa ang NPC may P1 million palang inilaan si Ricky para sa schoÿlarship fund. Ang pitsa ay galing sa fund niya sa Kongreso. Ang mga scholar ni Ricky ay inaayos pa rin niya este tinutustusan pala up to now.

May isang magandang naitulong pala si Rep. Sandoval, sa mga kabataan ito ang tinaguriang " Project RICKY o Restructured Information on Computer Knowledge for the Youth."

"Gaganda ba naman ang takbo ng Navotas kung maging Lungsod ito sa darating na buwan?" tanong ng kuwagong bumagsak na student.

"Siguro nasa namumuno iyan" sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Ano ang mangyayari?"

"Kamote, yan ang abangan mo !"

COMPUTER KNOWLEDGE

INTERNAL RE

MAYOR TOBY

NATIONAL GOVERNMENT

NAVOTAS

RICKY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with