^

PSN Opinyon

Gorio da Gringo

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -
PINAKA-SENIOR sa ating limang Bikolanong kandidato ay ang kontrobersyal na two-term Senator na si Gregorio "GRINGO" B. Honasan ng Sorsogon at Baguio City. Si Gringo ang Kris Aquino ng pulitika. Biktima ng sariling kasikatan –- kung hindi hinahangaan ay sinisiraan. Wala nang lihim sa kanyang buhay. Subalit kahit tulad nating may peklat din at kahinaan, may mga katangian pa rin siyang nagsisilbing pampabukod tangi.

Si Gringo ay napakatalino. Mapapalihis ka sa kanyang charisma at kasikatan. Subalit kung tuonan ng atensyon ang kanyang mga sinasabi -– mabibigla ka sa lalim ng kanyang mga argumento. Malinaw na hindi lang sa ordinaryong talino nagmula. Nandun ang tanda ng mga katwirang hinubog sa pagkadalubhasa. At bakit hindi? Class Baron at nakatanggap ng leadership award sa Class of 71 sa Philippine Military Academy, siya’y may Master’s degree sa Business mula sa Asian Institute of Management. Ang bayani ng EDSA ang siyang may akda sa isa sa pinakakumplikado subalit kumpletong batas, ang CLEAN AIR ACT.

Si Gringo ay mabait na tao. Lahat ng alamat na naisulat tungkol sa kanya bilang mandirigma (siya’y naging Commandant pa ng special operations school ng Philippine Army) ay wala sa kalahati ng kanyang rekord bilang ama. Higit sa pamilya ng ordinaryong sundalo ang tiniis ng kanyang mag-anak dahil sa naging takbo ng kanyang buhay. Subalit sa kabila nito ay makikita sa anyo ng kanyang mga anak ang sukat ng kaaya-ayang pagpapalaki. Napanood natin sa TV nang sinabing sila na lamang ang makikiusap sa bayan para sa ama. Ang lahat ng Honasan ay marespeto, mapagkumbaba at may pananalig sa Diyos. Sa kabila ng katakut takot na medal ya’t pagkilalang ginawad, sila na ang pinakamalaking karangalan ni Gringo at ng kanyang hinahangaang kabiyak na si Jane ng Nueva Ecija.

Biktima ng dagdag bawas noong 2001, nilaglag siya ng mga ninuno ni Garci sa Minda-nao na nagresulta sa pagnakaw sa kanya ng tatlong taong serbisyo na nabigay kay Recto. Sa kasaysayan ng Pilipinas, si Gringo Honasan pa lamang at wala nang iba ang nanalong Senador na Independiente. As in: walang makinarya, walang watcher, walang party contribution o party propaganda, walang kakamping opisyal, walang sample ballot. Ngayo’y independiente siyang muli. Maulit kaya ang Gringo magic ngayong 2007?

GRINGO HONASAN:

Kwalipikasyon: 90

Plataporma: 90

Rekord: 90

Total: 90

ASIAN INSTITUTE OF MANAGEMENT

BAGUIO CITY

BIKTIMA

GRINGO

KANYANG

SI GRINGO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with