Suroy Suroy Sugbo Southern Heritage Trail 2024
5 star ang aking evaluation...
Ngayon araw na ito ibabahagi ko sa inyo ang aking personal na evaluation sa katatapos na Suroy Suroy Sugpo Southern Heritage Trail 2024 na ginanap nitong November 22, 23 at 24.
Ang tatlong araw na Suroy Suroy Sugbo ay masaya, mabunga at busog-lusog ang lahat ng guest at participants.
Bunsod nito ay binibigyan ko ng five star ang mga organizer at pasimuno ng Suroy Suroy Sugbo sa pangunguna ng masipag at magaling na gobernador na si Gov. Gwen Garcia.
Saksi ako, kasama ang grupo ni Dr. Paul Martinez ng RPMD sa paglilibot sa 22 bayan sa Southern part ng Cebu na may kanya-kanya ningning at ganda.
Narito ang ilan sa culture and tradition ng 22 bayan base sa aking obserbasyon.
Kabilang ako sa VIP bus No.7 kasama sina Bohol Gov. Aris Aumentado, Bohol Tourism official at grupo ni Dr. Paul Martinez ng RPMD. Ang aming sinakyan na coaster ay malinis, komportable ang mga sakay, magaling at mahusay ang driver. Napakabait, napakagaling, alway smiling, accommodating at malinaw magsalita at magpaliwanag ng aming tour guide na si Ronald Roland “Ar-Ar” Ouano.
Sa unang araw ng Suroy Suroy Sugbo, ang bayan ng Minglanillia ang una naming pinuntahan at sinaksihan ang iba’t ibang makukulay na presentation.
Si Sen. Francis “Tol” Tolentino ang guest of honor sa okasyon.
Pangalawa ay ang bayan ng San Fernando na binansagan ni Sen. Tolentino ng “The land of Heroic Waves” na labis naman ikinatuwa ni Mayor Mytha Ann Canoy. Pangatlo ay ang Sibonga town na ang alkalde ay si Mayor Mario Laude na sinabing ang kanilang bayan ay “ place of joy and prosperity.”
Pang-apat ay ang Argao na ang alkalde ay si Mayor Allan Sesaldo na nagsabing ang Argao ay isang halamang gamot na kayang gamutin ang lahat ng karamdaman o ‘cure everything”.Pang lima ay ang Dalaguete na ang Mayor ay si Ronald Allan Cesante na kilalang “vegetables basket ng Cebu.” Pang-anim ay ang Alcoy na ang Mayor ay si Michael Angelo Sestoso. Kilala ang Alcoy sa kanilang Siloy Singing Bird.
Kasabay ng paglipad ng Siloy ang ang pag-unlad ng Alcoy.
Pang-pito ay ang bayan ng Boljoon na ang Mayor ay Joey De Rama.
Sa Boljoon nagtapos ang unang araw ng Suroy Suroy sa Sugbo. Sa ikalawang araw, ang ikawalong bayan na aming pinuntahan ay ang bayan Oslob.
First time kung ma-experience at maka-encounter ng mga whale shark.
Pang siyam ay ang bayan ng Santander na kilala sa kanilang masarap na panghimagas ang Tustado cokies, “Basta Tustado Santander ang panalo.” Ika-sampu ay ang Samboan na kilala sa pagkakaroon nila ng magandang Binalayan Falls. Ang ika-11 ay ang bayan ng Ginatilan. Ang ika-12 ay ang Malabuyoc town, na kilala sa pagkakaroon nila ng “hots spring and organic farming”.
Pang-labing tatlo ay ang bayan ng Alegria. na may malaganap na tanim na Moringa at Turmeric at ang kanilang patron ay si St. Francis Xavier Pang-labing apat ay ang Badian na kilala sa kanilang “Banig Festival” Pang-labing lima ay ang Moalboal, na kilala sa pagkakaroon nila ng Sardines run (School of fish).
Sa ikatlo at huling araw, ang pang labing anim na bayan na aming pinuntahan ay ang bayan ng Alcantara. Pang-labing pito ay ang bayan ng Ronda na kilala sa kanilang “Humba festival” na isang uri ng masarap na pagkain. Pang-labing walo ay ang bayan ng Dumanjug na kilala bilang “Home of the Governors. Pang-labing siyam ay ang bayan ng Barili. Ang ika-20 bayan ay ang Carcar City na kilala sa kanilang masarap na Chicharon, Lechon at Ampao.
Ang ika-21 ay ang Naga City kilala sa kanilang “Dagitab Festival” na tinanghal na Champion sa Pasigarbo sa Sugbo 2024. Ang pang-22 at huling bayan na destinasyon ay ang Talisay City na kilala sa kanilang “Halad Inasal Festival”
Sa bawat bayan ay mala-fiesta ang inihandang masasarap na pagkain at may iba’t ibang makukulay na presentation. Muli ang aking taos-puso at malugud na pagbati sa succesful event ng Suroy Suroy Sugbo Southern Heritage Trail 2024.
Salamat at Mabuhay Gov. Gwen Garcia sa inyong napakagandang programa. God bless!
- Latest