Walang kapatid o kaibigan sa pulitika
February 24, 2007 | 12:00am
PULITIKA ang isang dahilan kaya nananaig ang kasamaan sa tao. Nabanggit ko rin noon, "kapag pulitika ang pumasok sa puso ninuman, hahamakin lahat, masunod lamang ito". Walang sinisino ang pulitika. Kahit na kapatid o kaibigan o pinagkakautangan ng loob.
Nag-aaway ngayon si Sen. Ralph Recto at ang nakatatanda niyang kapatid na si Batangas Vice Gov. Ricky Recto. Ang dahilan gusto ni Ralph na ang asawang si Lipa City Mayor Vilma Santos ang tumakbo bilang gobernador ng Batangas ito ay sa kabila na nakaplano nang tumakbo sa posisyong ito si Ricky sa ilalim ng oposisyon.
Nalantad tuloy ang matinding awayan ng magkapatid dahil sa pulitika. Marami ang napailing sapagkat hinid nila akalaing mangyayari ang ganito sa magkapatid na dati-rati ay nagtutulungan sa kanilang mga adhikain, personal man o pulitika.
Isa pang magandang pagsasamahan na sinira ng pulitika ay ang pagkakaibigan ng Lapids at Pinedas sa Pampanga. Malaki ang naging tulong ng mga Pineda kay Sen. Lito Lapid at ng anak nitong si Gov. Mark Lapid. Ayaw magbigayan, kaya magdidikdikan ang Lapid at Pineda sa pagka-gobernador sa Pampanga.
Halimbawa pa rin ng kapangitan na hatid ng pulitika ay ang away nina Rep. Alan Cayetano at dating padrino na si FG Mike Arroyo at ang nangyaring merry-go-round nina Manny Villar, Francis Pangilinan, Joker Arroyo, Ralph Recto, Tito Sotto at Tessie Aquino-Oreta na nagbago ang kani-kanilang loyalty at paninindigan dahil sa pulitika.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest