^

PSN Opinyon

Husgahan natin ang mga nais mag senador (2)

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NOONG nakaraang column po ay binigay ko ang 12 senador mula sa kampo ni Madam Senyora Donya Gloria. Mga kakampi niya at tagapagtanggol niya.

Ngayon naman, ang sa oposisyon. Mga lumaban sa kanya mula pa nuong 2001 o ilang buwan matapos niyang agawin ang Malacañang kay Pangulong Joseph "Erap" Estrada na hanggang sa araw na ito ay tunay na Pangulo ng MASANG Pilipino o di kaya’y sumama sa oposisyon dahil naantig sa Hello Garci tapes na nagpapatunay ng dayaan noong halalan ng 2004.

Unahin ko po si Senadora Loren Legarda na dating tumakbo bilang bise ni Fernando Poe Jr. Bagama’t dati siyang kakampi ni Madam Senyora Donya Gloria, sumama siya sa oposisyon nang makita niya ang sunud sunod na mga katiwalian sa Malacañang.

Pangalawa po ay si Gng. Sonia Roco na may bahay po ng yumaong Senador Raul Roco. Ang kanyang yumaong asawa ay kilala sa integrity at ganoon din ang kanilang pamilya. Mga Bicolano po ang mga Roco pero si Mrs. Sonia ay may roots sa Bisaya.

Pangatlo si Sen. Panfilo "Ping" Lacson na paborito ng Malacañang dahil sa kanyang walang tigil na pagbubulgar ng mga katiwalian gaya ng JOSE PIDAL account sa Coots Bank sa Hong Kong, tulay na walang patutunguan, book scam na nagkakahalaga ng bilyong piso at marami pang iba.

Nakatatak pa rin sa sambayanan ang kanyang nagawang matagumpay na pamumuno sa Philippine National Police kung saan nawala ang kidnapping, droga at iba pang krimen. Hanggang sa araw na ito ay mahal siya ng mga vendors at mga drivers gayundin ang mga negosyante dahil nawala rin ang kotongan sa panahon niya. Si Sen. Ping po ay nakasama ko nang matagal at isang sinserong tao pagdating sa paglaban sa katiwalian lalo na ang pork barrel na lagi niyang tinatanggihan.

Panglima po si Congressman Chiz Escudero na gaya po ni Roco ay taga-Bicol. Bata, makisig at magaling magsalita. Katunayan mas magaling ho siya sa kanyang ama na si dating Congressman and Secretary Escudero. Siya rin po ang minority floor leader sa Kongreso.

Pang-anim po si Congressman Benigno "Noynoy" Aquino III na anak po ng yumaong Senador Ninoy Aquino at ni dating President Cory Aquino o Tita Cory ho sa ating lahat. Hindi ko ho siya personal na kilala pero ang pamilya ho nila na nakasama ko minsan sa isang biyahe ay napakabait at walang hangin. Nakaapak po sa lupa si Tita Cory at mga anak. Of course kapatid ho siya ni Kris Aquino.

Pangpito si Aquilino "Koko" Pimentel Jr. na anak po si Senador Nene Pimentel. Bar topnotcher ho siya at kilalang magaling na abogado at tagapagtanggol ng mga naaapi. Lahat ho ng kaibigan niya at kakilala ay iisa ang sinasabi tungkol sa kanya, may prinsipyo siyang tao.

Pangwalo si dating Sen. John Osmeña na sayang talaga at natalo dahil nilaglag ng mga kakampi niya noong nakaraan. Ngayon ho nagsisisi na siya sa pagsama kay Madam Senyora Donya Gloria. Kailangan ho natin ang isang kagaya niya na senior statesman sa senado.

Pangsiyam si dating Senador Nikki Coseteng na medyo nawala sa pulitika bagama’t nanatiling aktibo sa Nationalist People’s Coalition at pagiging oposisyon. Siya nga po ang pangatlong babaing kandidato ng oposisyon at medyo nakalimutan ko sa unang portion ng column.

Pangsampu po si Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes na isa sa pinuno ng grupong Magdalo. Puno po siya ng ideyalismo at kahit nakakulong at binabartolina pa ng mga kakampi ng Malacañang sa Kampo ay hindi sumusuko. Buo ho ang tapang niya at walang takot ipaglaban ang paniniwala.

Panglabing isa po si Sen. Francisco "Kiko" Pangilinan. Of course asawa ni Megastar Sharon Cuneta pero sana ay linawin niya kung oposisyon ba siya o administrasyon. Importante ho ang pagtaya ng tao at mahirap ho ang segurista. Pero kung tatanungin n’yo ako, sama natin siya sa Senado dahil ang kanyang ugali at puso ay okay ayon sa kumpare kong si JSR na isang tapat na kaibigan at hindi tayo bobolahin.

Panglabindalawa po si Senate President Manuel Villar. Bagama’t namuno siya sa impeachment sa kongreso, ipinakita niya ang kanyang paniniwala sa katotohanan ng lumaban siya sa Malacañang paglabas ng Hello Garci tapes. Hindi rin siya nagpasilaw sa pondo at iba pang pangako ng Malacañang.

Iyan po ang 12 sa oposisyon. Gaya ng sa administrasyon, piliin n’yo ang palagay n’yong makatutulong sa bayan at ipaglalaban ang kabutihan ng sambayanan at hindi sariling bulsa.
* * *
Noong Martes, Miyerkules at Huwebes ay nag-ikot ako sa Quiapo kasama ng tunay na kongresista ng ikatlong distrito ng Maynila na si Naida Angping at Dr. Perry Herrera na professor sa MLQU.

Kakalungkot pong narinig namin sa mga pedicab drivers na lumala pala ang kotongan o butaw kung tawagin nila ngayon. Mga pulis ho ito at mga matapat? ng city hall.

Sobra naman ho kayo, bihira na lang makapag-uwi ng P200 ang mga hirap nating kababayan kada araw ay ninanakaw n’yo pa. Konsiyensiya naman po. Maawa po kayo.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

vuukle comment

HELLO GARCI

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

MALACA

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with