^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Hanapan ng plataporma ang kandidato

-
KAHAPON nagwakas ang filing ng candidacy ng mga tatakbong senador. At ngayong araw na ito magsisimula ang kanilang pangangampanya. Tiyak na maglalabasan na ang mga mukha nila sa pader at maririnig na ang kanilang nakakaaliw na jingle. Magpapaligsahan ang kani-kanilang campaign ads. Marami rin ang mangangampanya sa mga bahay-bahay, magsasalita sa plasa, dadalaw sa mga palengke at iba pang matataong lugar para hilinging iboto sila sa darating na Mayo. Makikiusap na huwag silang kalimutan.

Ngayon pa lamang ay dapat nang magmuni-muni ang taumbayan sa mga lalapit at mangangampanyang kandidato. Karapat-dapat ba ang taong ito na maluklok sa puwesto? Hindi ba masasayang ang boto ko sa taong ito? Hindi kaya isang pagpapakamatay ang idudulot kung ang taong ito ang makapuwesto sa Senado?

Maraming katanungan ang dapat mabigyan ng pansin lalo pa at may mga bagong mukha at may mga dati na ang nagnanais makaupo sa puwesto. Sino ba ang dapat? Sino ba ang karapat-dapat?

Napakalaking pera ang gagastusin ng mga kakandidatong senador para sa kanilang pangangampanya. Ayon sa report, kinakailangang may P150 million ang kandidato na gagastusin para sa kanyang pangangampanya. Ang pinapayagan lamang ng Commission on Elections (Comelec) ay P100 million.

Sa laki ng gagastusin ng mga kakandidatong senador, nakapagtataka naman na napakarami pa rin naman nang nagnanais na sumali sa karera. Sa suweldong P35,000 bawat buwan ng mga senador ay marami pa rin ang nagnanais na makaupo sa puwesto. Bakit nga kaya? Dahil kaya sa pork barrel at iba pang perks na tatanggapin o talagang ang pagtakbo ay para makapaglingkod sa sambayanan.

Kung ang paglilingkod sa taumbayan ang dahi-lan kaya tatakbo ang kandidato, ito ang nararapat na iluklok sa puwesto. Pero hanapan din siya ng plataporma para makasiguro na hindi lamang niya binibilog ang ulo ng taumbayan. Tingnan kung ang kanyang plataporma ay wagas sa kanyang puso at isipan. Huwag humanga sa magandang advertisement sa TV o radyo o sa mga nakatutuwang political jingle. Magkaroon na ng leksiyon.

AYON

BAKIT

COMELEC

DAHIL

HUWAG

KARAPAT

MAGKAROON

MAGPAPALIGSAHAN

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with