^

PSN Opinyon

Kotongerong tambay sa riles, hulog sa Bitag!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MARAMING motoristang nag-text sa BITAG hotlines at BAHALA SI BITAG sa UNTV 37 maging sa aking radio program sa DZME 1530, inirereklamo nila ang mga tambay na nanghihingi ng ‘‘tong’’ sa riles ng tren sa P. Margal, Sampaloc, Manila.

Kapansin-pansin sa lugar ang mga tambay na may hawak na tabo para doon ilagay ang mga barya at perang kanilang hinihingi sa mga motoristang na papadaan sa lugar.

Dito nagka-interes ang BITAG at agad na sinilip ng mga BITAG surveillance team ang nasabing lugar.

Kumpirmado ang mga reklamong ipinaabot sa BITAG at sa magkabilang lane pa ng kalsada lantaran ang kanilang pangongotong.

Nadiskubre ng BITAG na apat na barangay ang nakakasakop sa riles ng tren sa P. Margal.

Napansin din ng BITAG na wala man lang stop, look and listen na karatula na nagbibigay ng babala at harang na dapat ibinababa oras na may dumaang tren.

Dito pinuntahan ng BITAG si Bgy. Chairman Reynaldo Andaya ng Bgy. 474 Zone 47. Pero sa nakita ng BITAG kay Chairman, wala siyang mabibigay na tulong at sa halip ay kinukunsinti pa ang pangongo- tong sa kanilang lugar.

Iniwan na lang ng BITAG si Chairman at agad na kinumpronta ang mga tambay na nanghihingi ng tong sa riles.

Pagkakita pa lang sa grupo ng BITAG agad ng kumaripas ng takbo ang nangongotong na tambay na nakilala na si Max Antilado.

Naliliwanagan ang  BITAG sa kontrobersyal na ‘‘tong’’ nang makaharap namin ang isa pang Chairman na nakakasakop ng riles na si Carlito Buco.

Napag-alaman ng BITAG na napagkakakitaan ng mga tambay ang kanilang barangay dahil sa halip na trabaho ito ng mga tanod sila ang nakikinabang.

Hiniling na lamang ng BITAG na mag-usap ang apat na ba-rangay upang mag-tayo ng sarili nilang outpost na magbabantay sa riles upang maiwasan ang aksidente.

Mananatiling nakatutok ang BITAG sa gagawing aksyon ng apat na barangay sa nasabing lugar.

BGY

BITAG

CARLITO BUCO

CHAIRMAN REYNALDO ANDAYA

DITO

MARGAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with