Pinaatras si JV at Loi, dapat paatrasin din si Mikee, Dato at ‘Jose Pidal’
February 10, 2007 | 12:00am
PINAHANGA ako nang husto ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada sa kanyang desisyon na huwag nang patakbuhin bilang senador si San Juan Mayor JV Ejercito at hindi payagang humirit ng re-election ang kanyang maybahay na si Dra. Loi Ejercito.
Ginawa niya ito kahit na tiyak na panalo si Mayor JV ayon sa mga survey at pasok na pasok sa top 12 at umaangat pa. Pumayag naman si Mayor JV bagama’t alam kong lahat na nag-iikot na siya nang husto at nagsimula ng magplano at magtayo ng kanyang campaign.
Magaling ang naging desisyong ito ng dating Pangulo at muling nagpapatunay na higit na importante sa kanya ang kapakanan ng sambayanan kesa sariling interest lalo na at ang anak niyang si Mayor JV ay napatunayan din naman ang husay bilang alkalde ng San Juan.
Sana lang kayang tapatan ng Malacañang at mga kakampi, alipores, kaalyado, kapuso, kapamilya, kasabwat, katsokaran, sipsip at linta.
Kung kaya ni Erap isakripisyo ang anak, kaya rin sana ni Madam Senyora Donya Gloria na pigilan sa pagtakbo ang mga anak na sina Mikee Arroyo bilang kongresista ng Pampanga at si Dato bilang representante ng Bicol. Dapat ding umatras sa pagtakbo si Ignacio "Iggy" Arroyo na nagsasabing siya si JOSE PIDAL sa Negros.
Patuloy ho akong nag-iikot sa ikatlong distrito ng Maynila kasama ang tunay na Kongresista ng distrito at super grasyosang si Naida Angping.
Dalawang umaga ho akong sumama diyan sa San Nicolas kung saan kitang kita ko ang kahirapan ng ating mga kababayan.
Karamihan ho sa kanila ay nagsisikap pero hindi lang mabigyan ng pagkakataon dahil sa patuloy na corruption sa lahat ng antas ng ating pamumuhay.
Matindi pa nito, walang pinatatawad ang mga corrupt na pulis at mga law enforcers ng Manila city hall ultimo sa mga pedicab driver at vendors na hirap na hirap nang maghanap buhay para sa pamilya ay ginagawa pang gatasan.
Walang puknat ang panghihingi ng mga swapang na ito kahit sa mga legal na vendors at pedicab drivers. Walang konsyensa ang mga taong ito na nakukuha pang ipakain sa kanilang pamilya ang pagkaing mula sa salaping kinurakot nila sa mga naghihikahos nating mga kababayan.
Ganundin itong si Sgt. Minas at mga kasamahan na walang ginawa kung hindi mangharang ng mga naka-motorsiklo at hanapan ng offense para mahingian ng pera. Kahit na walang kasalanan ay pilit nitong pinatutuga ang mga pobreng nagmo-motor ng mula P50 hanggang P200.
Kung talagang matapang ang grupong ito, paghuhuliin nila ay mga kriminal na naka-motorsiklo at hindi mga ordinaryong mamamayan na hirap na hirap ng maghulog ay ginagatasan pa.
Magkaroon naman kayo ng konsyensya paminsan minsan bago mahuli ang lahat at pambayad niyo lang sa ospital at gamot ang mga ninanakaw n’yo.
Sa isang linggo ay maglilinaw na kung sino ang mga senador na tatakbo sa hanay ng oposisyon at sino naman sa administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria.
Ilalathala ko ang mga pangalan nila at kung saan sila nakahanay. Sana itigil ang panggigipit kay Erap upang siya mismo ang magtaas ng kamay ng mga kandidatong ineendorso niya sa pagkasenador at gawin rin ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga kandidato niya sa senado upang magkaalaman na kung sino ba ang nagtataglay ng halik na nakamamatay o kiss of death.
Pero malabo hong mangyari ito dahil alam nila ang lakas ng endorsement ni Pangulong Erap at galit naman ng masa kay Madam Senyora Donya Gloria. Personal kong nakita ito sa pag-iikot ko kung saan wala akong nakausap o nakasalamuha na may natitira pang paggalang kay Madam Senyora Donya Gloria.
Bokya na ang kredibilidad at pagtitiwala ng sambayanan sa Malacañang.
Lubos na pasasalamat pala kay Bgy. Chairman Neil Aranas ng Bgy. 272 at kanyang mga kapitbahay sa mainit na pagtanggap sa akin. Ganundin kay Kagawad Violeta Decena ng Bgy. 274 na nag-blowout pa dahil birthday niya. Thank you rin kay kagawad Teresita David ng Bgy. 276 na lagi palang sinusundan ang aking column.
Marami rin ho akong nakausap na laging inaabangan ang muntik pitak kong ito. Sa inyong lahat na laging sumusuporta sa Pilipino Star NGAYON na dahilan ng aming pagiging number one hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati sa ibang bansa, maraming maraming salamat at lalo pa ho naming pagbubutihin upang hindi kayo biguin.
Sa mga taga-ikatlong distrito naman ng Maynila, text naman ho kayo dahil nais ko kayong personal na makausap sa pagpupulso. Mga ibang nag-tetext naman, lahat ho iyan kahit na marami at medyo pagod na ako ay binabasa ko gabi gabi upang malaman ang hinaing at panawagan ng sambayana. Tandaan n’yo ho lagi, lumalakas ang loob ko dahil sa patuloy na suporta n’yo.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.
Ginawa niya ito kahit na tiyak na panalo si Mayor JV ayon sa mga survey at pasok na pasok sa top 12 at umaangat pa. Pumayag naman si Mayor JV bagama’t alam kong lahat na nag-iikot na siya nang husto at nagsimula ng magplano at magtayo ng kanyang campaign.
Magaling ang naging desisyong ito ng dating Pangulo at muling nagpapatunay na higit na importante sa kanya ang kapakanan ng sambayanan kesa sariling interest lalo na at ang anak niyang si Mayor JV ay napatunayan din naman ang husay bilang alkalde ng San Juan.
Sana lang kayang tapatan ng Malacañang at mga kakampi, alipores, kaalyado, kapuso, kapamilya, kasabwat, katsokaran, sipsip at linta.
Kung kaya ni Erap isakripisyo ang anak, kaya rin sana ni Madam Senyora Donya Gloria na pigilan sa pagtakbo ang mga anak na sina Mikee Arroyo bilang kongresista ng Pampanga at si Dato bilang representante ng Bicol. Dapat ding umatras sa pagtakbo si Ignacio "Iggy" Arroyo na nagsasabing siya si JOSE PIDAL sa Negros.
Dalawang umaga ho akong sumama diyan sa San Nicolas kung saan kitang kita ko ang kahirapan ng ating mga kababayan.
Karamihan ho sa kanila ay nagsisikap pero hindi lang mabigyan ng pagkakataon dahil sa patuloy na corruption sa lahat ng antas ng ating pamumuhay.
Matindi pa nito, walang pinatatawad ang mga corrupt na pulis at mga law enforcers ng Manila city hall ultimo sa mga pedicab driver at vendors na hirap na hirap nang maghanap buhay para sa pamilya ay ginagawa pang gatasan.
Walang puknat ang panghihingi ng mga swapang na ito kahit sa mga legal na vendors at pedicab drivers. Walang konsyensa ang mga taong ito na nakukuha pang ipakain sa kanilang pamilya ang pagkaing mula sa salaping kinurakot nila sa mga naghihikahos nating mga kababayan.
Ganundin itong si Sgt. Minas at mga kasamahan na walang ginawa kung hindi mangharang ng mga naka-motorsiklo at hanapan ng offense para mahingian ng pera. Kahit na walang kasalanan ay pilit nitong pinatutuga ang mga pobreng nagmo-motor ng mula P50 hanggang P200.
Kung talagang matapang ang grupong ito, paghuhuliin nila ay mga kriminal na naka-motorsiklo at hindi mga ordinaryong mamamayan na hirap na hirap ng maghulog ay ginagatasan pa.
Magkaroon naman kayo ng konsyensya paminsan minsan bago mahuli ang lahat at pambayad niyo lang sa ospital at gamot ang mga ninanakaw n’yo.
Ilalathala ko ang mga pangalan nila at kung saan sila nakahanay. Sana itigil ang panggigipit kay Erap upang siya mismo ang magtaas ng kamay ng mga kandidatong ineendorso niya sa pagkasenador at gawin rin ni Madam Senyora Donya Gloria sa mga kandidato niya sa senado upang magkaalaman na kung sino ba ang nagtataglay ng halik na nakamamatay o kiss of death.
Pero malabo hong mangyari ito dahil alam nila ang lakas ng endorsement ni Pangulong Erap at galit naman ng masa kay Madam Senyora Donya Gloria. Personal kong nakita ito sa pag-iikot ko kung saan wala akong nakausap o nakasalamuha na may natitira pang paggalang kay Madam Senyora Donya Gloria.
Bokya na ang kredibilidad at pagtitiwala ng sambayanan sa Malacañang.
Marami rin ho akong nakausap na laging inaabangan ang muntik pitak kong ito. Sa inyong lahat na laging sumusuporta sa Pilipino Star NGAYON na dahilan ng aming pagiging number one hindi lang sa Pilipinas kung hindi pati sa ibang bansa, maraming maraming salamat at lalo pa ho naming pagbubutihin upang hindi kayo biguin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended