^

PSN Opinyon

Hindi kayang banggain ng DILG at PNP si Bong Villafuerte dahil sa ama niya

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
KUNG lantaran na ang jueteng ni Bong Villafuerte sa Camarines Sur, ganun din ang sistema sa kalapit nitong probinsiya na Sorsogon. Subalit kung bagyo o may ‘‘hangin’’ sa ulo si Bong Villafuerte, taliwas naman ang mga financier ng jueteng sa Sorsogon na sina Leony Lim at Alvin. Kaya kung nagaspangan kay Bong Villafuerte ang mga kapulisan sa Camp Crame, wala namang problema sa kanila sina Leony Lim at Alvin nga.

Kaya panatag ang loob ni Sr. Supt. Joel Regundola, ang provincial director ng PNP sa Sorsogon na hindi papatulan ng mga nakataas sa kanya ang jueteng sa kanyang probinsiya. Ewan ko lang kung me problema sina Leony Lim at Alvin kay Chief Supt. Ricardo Padilla, ang hepe ng PRO5 sa Bicol. Ano sa tingin n’yo mga suki?

Marami ang natuwa sa Camp Crame bunga sa expose ko sa jueteng ni Bong Villafuerte. Pero sinabi ng mga kausap ko na hindi kayang banggain nina Interior Sec. Ronaldo Puno at PNP chief Dir. Gen. Oscar Calderon si Bong Villafuerte dahil sa ama niya na si Rep. Luis Villafuerte na bagyo sa Palasyo. Pero naniniwala ang mga kausap kong opisyal ng PNP na hindi naman habang panahon ang suwerte ni Bong Villafuerte.

Tulad ni dating Pres. Erap Estrada, aabutin din siya ng kamalasan. ‘Ika nga tatamaan din ng kidlat si Bong Villafuerte. Kung sabagay, halos pamilya na ni Villafuerte ang nanunungkulan diyan sa Camarines Sur at mukhang wala ng balak ang mga residente doon na alisin sila sa puwesto. Kasi nga, ang gobernador doon ay si Raymond Villafuerte rin. Nepotism na ito ah, di ba mga suki? Kaya ang hinihintay na lang ng mga opisyales ng PNP ay ang malaglag sa pulitika ang mga Villafuerte para alisan nila ng hangin sa ulo si Bong Villafuerte na walang ginawa kundi bahiran ng kahihiyan ang kanilang uniporme. Bakit kaya hindi na lang nag-pulis si Bong Villafuerte para makamit niya ang inasam-asam niya na maging RD ng PRO5? ’Yan ang tanong ng mga kausap ko na mga opisyal ng PNP.

Habang hindi pa nahuhuli si Hermie Herrera, ang tagabigay ng lingguhang intelihensiya ni Bong Villafuerte, siyempre patuloy ang pamamayagpag ng jueteng niya. Kung sabagay, kung aabot sa milyon ang kubransa ng jueteng ni Bong Villafuerte sa Camarines Sur, itong sa Sorsogon ay barya lang. Kaya lang parehas silang jueteng, kaya’t dapat lang habulin ni Gen. Padilla sina Bong Villafuerte at Leony Lim at Alvin, di ba mga suki? He-he-he! Tiyak may kalalagyan kay Padilla ang mga jueteng lords na sina Bong Villafuerte, Leony Lim at Alvin sa darating na mga araw!

Bueno, para sa kaalaman ni Padilla, ang kubransa nina Leony Lim at Alvin sa Sorsogon kada araw ay P90,000 sa Castillar; Pilar P110,000; Guba, P70,000; Casiguran P90,000; Barcelona, P70,000; Ju-ban, P60,000; Magallanes, P90,000; Sorsogon, P90,000; Irosin, P120,000; Bulusan, P80,000; Bulan, P80,000; Sta. Magdalena, P130,000; Matnog, P70,000 at Patag P60,000. O hayan! Kumpleto rekado na ang listahan ko at maaaring gawing giya ito ni General Padilla para ilampaso ang mga puwesto nina Leony at Alvin, di ba mga suki? Pero kung ako ang tatanungin, dapat lang unahing gupuin ni Padilla si Bong Villafuerte para mabawasan ang kagaspangan niya laban sa PNP. Abangan!

ALVIN

BONG

BONG VILLAFUERTE

CAMARINES SUR

KAYA

LEONY LIM

PADILLA

SORSOGON

VILLAFUERTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with