^

PSN Opinyon

Smugglers tutuldukan na ng Customs

- Al G. Pedroche -
HARINAWANG hindi ningas-cogon ang ipinakikitang gilas ngayon ng Bureau of Customs laban sa mga hinayupak na smugglers na kumukulimbat sa salaping dapat sana’y pumasok sa kaban ng bayan.

Kamakailan, ang pinasiglang kampanya ng adwana laban sa smuggling ay nakasabat ng P200-milyong halaga ng mga kontrabandong luxury cars at mga spare parts ng sasakyan at DVD replicating machine na dahilan ng paglipana ng mga pirated CDs sa bansa. Congrats sa Intelligence Enforcement Group sa pamumuno ni Dr. Celso Templo. Malaking achievement iyan lalu pa’t ito’y para lamang sa buwan ng Enero.

Kung natuwa si Customs Commissioner Napoleon Morales sa achievement na ito, eh di lalung abut tenga ang ngiti ni Optical Media Board Chief Edu Manzano na magmula ng maupo sa puwesto ay di na nabawasan ang sakit ng ulo dahil sa naglipanang fake DVDs and CDs. Malaking bigwas sa mga mamemeke ang pagkakasamsam ng mga replicating machines na ito.

Sabi ni Templo, pag-iibayuhin ng kanyang departamento ang kampanya laban sa mga smugglers hanggang sa madurog ang bawat isa sa mga ito. Good luck to you sir.

Pero ang problema sa atin, sinsero man ang isang hepe sa kanyang layunin, kapag may naupong bagong hepe ay nanlulupaypay ang diskarte. Sana magtuluy-tuloy ang ganyang kampanya dahil malaon nang problema ng bansa ang smuggling. Mantakin niyo ang trilyones na halagang napagkait sa kaban ng bayan sapul nang mauso ang smuggling maraming taon na ang nakalipas.

Kaya kay Mr. Templo, nasa likod niyo kami sa lahat ng mabubuti ninyong layunin. Wika nga ng Kano: May your tribe increase.

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

DR. CELSO TEMPLO

ENERO

INTELLIGENCE ENFORCEMENT GROUP

KAMAKAILAN

MALAKING

MR. TEMPLO

OPTICAL MEDIA BOARD CHIEF EDU MANZANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with