DPWH vs. billboards
January 27, 2007 | 12:00am
SIGURO panahon na para ayusin ng gobyerno ang mga naglalakihang billboards sa paligid ng Metro Manila.
Ika nga, baklasin ang labag sa butas este mali batas pala.
Ibalik sa madlang people ang disappearing skyline pero ang pagbaklas sa mga naglalakihan at parang mga kabuteng billboards lalo na sa kahabaan ng EDSA na tumatakip sa kagandahan ng kalangitan ay hindi biro. Sabi nga, problema.
May malaking pitsa kasi sa billboards hindi biro ito million of pesos ang usapan todits.
Sabi nga, takip dito, takip doon, palakihan dito, palakihan doon.
Sila ang nasusunod hindi ang gobyerno. Sabi nga, may panglangis kasi.
Kasalanan din ng gobyerno kung bakit nagkaroon ng problema regarding sa mga giant billboard kaya nagulantang na lamang sila ng magkaroon ng sunod-sunod na aksidente noong kalakasan ng storm.
Sabi nga, may mga namatay. Kawawa naman!
Nagising ang gobyerno nang mangyari ang hindi inaasahang sakuna. Ika nga, sisihan dito, sisihan doon, turuan dito, turuan doon, hugas-kamay dito, hugas-kamay doon.
Ngayon ang kampanya ng DPWH ay matindi mukhang alaws sasantuhin basta ang mahuhuling lumabag sa batas, regulasyon at alintuntunnin na ipinatutupad nila ang "OPERATION BAKLAS BILLBOARDS".
Sa tatamaan, buti nga. Ang titigas kasi ng et-et este mali ulo pala. Sabi nga, tablahan ang laban, he-he-he!
May mga sukat na ipinapatupad ang DPWH alam ito ng mga outdoor advertising companies.
"Ituloy pa kaya ng DPWH ang kanilang laban sa billboards?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Bakit hindi," sagot ng kuwagong maninisip ng tahong.
"Sa defense na kasi uupo si Secretary Jun Ebdane," anang kuwagong naghuhukay ng libingan.
"Bakit sa palagay mo ba hindi ito aaksyunan ng papalit kay Jun?"
"Ikaw kamote ang nakaaalam"
"Abangan!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended