Talaga!!!
January 23, 2007 | 12:00am
SA ika-anim na anibersaryo ng tinatawag nating EDSA 2 na nagluklok kay Madam Senyora Donya Gloria sa Malacañang ay sinabi niyang ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya kahit na maraming pagsubok na hinarap ang kanyang administrasyon.
Ayon din sa kanya ang ginawa niya ay para sa kabutihan ng bansa at sa sambayanang Pilipino.
Talaga!!! Kabutihan kaya ng sambayanan ang ginawa ng Malacañang nang wala pang isang linggo sila ng pang-aagaw ng kapangyarihan ay pinirmahan nila ang IMPSA contract na nagbigay ng sovereign guarantee sa Argentinian company.
Ang sovereign guarantee ay garantiya na kahit malugi ang nasabing kompanya sa Pilipinas ay titiyakin ng gobyerno na hindi mangyayari iyon dahil babayaran sila. Sabagay, sa sambayanan nga naman, sa mga Argentinian nga lamang.
Kabutihan kaya ng sambayanan ng paggawa niya ang pinakamahal na kalye sa buong mundo na tinawag pang Diosdado Macapagal Highway. Sino kayang sambayanan ang ibig niyang sabihin, sabagay kasali si JOSE PIDAL ang mga kaalyado, kakampi, katropa, kapamilya, kapuso, kapartido, kakutsaba ng Malacañang sa sinasabi nating mamamayan. Maliit na maliit na bahagi lamang bagamat malaking malaki ang mga deposito sa banko at mga bahay at mansion.
Kabutihan kaya ang ginawa ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante ang pagpapakalat ng fertilizer na walang silbi na nagkakahalaga ng daang milyon at ultimo mga urbanisadong lugar ay pinagbibigyan nito. Well, gaya ng naunang argumento, kasali naman sa mga mamamayan ang mga kongresistang kaalyado at kakutsaba nila. Higit sa lahat yung mga congressman/woman na ay matatawag pa nating commissioner dahil sa tindi ng paghingi ng commission.
Eh yung pagtawag niya kay dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano ng hindi lamang isang beses kung hindi 14 na beses, kabutihan kaya iyon. Walang kaduda-duda kabutihan pero ni Madam Senyora Donya Gloria dahil nagkaroon siya ng ka-phone pal na nag-alis ng kanyang mga suliranin.
Paano yung mga tulay na iba-iba ang haba at lawak pero iisa ang presyo na binulgar ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson, mabuti iyon hindi ba dahil kumita naman ang isang multinational group doon at dahilan pa upang magregalo ito ng isang palasyo sa United Kingdom.
Tungkol naman sa pagpapapasa nitong expanded value added tax na nagpalaki ng koleksyon ng buwis tama kaya, aba tama pa rin iyan dahil lumaki ngayon ang panggastos ng administrasyon at ultimo mga pork barrel at insertions ng mga kakamping kongresista at senador at siyempre pag lumaki ang mga project natural mas malaki rin ang kita.
Sa pagpapalabas naman ng Executive Order na nagbabawal sa mga miyembro ng ehekutibo na humarap sa anumang imbestigasyon ng senado, aba mabuti rin iyan, lalo na sa Malacañang dahil walang madudulas at aaming pinag-utusan lamang sila. Marami ring anomalyang mapagtatakpan.
Mga newsmen naman na pinaslang at mga leftist leaders ay tama rin para sa kanila, lalo na ang mga special ops group nila na namimilit ng mga demandang libelo na sinasampa kabi-kabila ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo laban sa mediamen. Kung matatahimik nga naman ang kahit na ilan ay tama talaga at pabor siyempre sa kanila na taong bayan din naman na libre ring gastusin at gamitin ang kuwarta ng bayan.
Iyon namang pagmamalabis at pananakit sa mga nagra-rally na tanging nais ay kampihan ang isang Pilipinang katulad ni Nicole at mga supporters ng ilang mga pulitikong biglaang pinasuspinde ay tama rin at lahat din ng makakaya ginawa ng Malacañang upang supilin ang anumang ambang paglaban o pag-alsa.
Marami pa hong sinikap talagang gawin at nagawa si Madam Senyora Donya Gloria, sa dami nga hindi ko na maalala lahat. Mga pilit niyang naipatupad at pinapatupad na nagpapaligaya at nagbibigay ng ginhawa at nagpapaangat ng buhay. Kaninong buhay nga lang at kaninong bulsa?
Pasalamat ako sa kaparian sa San Sebastian at mga religious leaders na inanyayahan ako sa Feast Day ni St. Sebastian. Kahit ilang ulit ko nang napasok ang naturang simbahan ay manghang mangha pa rin ako sa ganda nito.
Ganundin sa mga taga San Lorenzo Ruiz o mas kilalang Binondo Church na nag-celebrate rin ng fiesta ng Sto. Niño. Nag-attend ako ng misa sa dalawang simbahan noong Sabado at Linggo kasama ni dating Congressman Harry Angping at tunay na Kongresistang Naida Angping at aaminin kong naantig ang aking puso.
Kakaiba kasi ang aking naramdaman at nahahawa ako sa mga devotees na taun-taon palang walang paltos na pinagdiriwang ang kapistahan. Kakaibang debosyon at panalangin na sumasalba sa ating bansa kahit na patindi nang patindi ang kahirapan. In the end, dalangin at pananalig sa DIYOS ang tanging maaasahan natin.
Belated Happy Birthday kay Kagawad Linda Peralta sa ikatlong distrito ng Maynila. Sarap talaga ng barbeque na apat yatang stick ang naubos ko, puwera pa ang pansit at menudo. He-he-he!!! Katotohanan, paligsahan yata kami ni Cong. Harry sa bilis at dami ng nakain. Iba talaga ang lutong bahay na laging higit sa mga pagkain sa mga mamahaling restaurant.
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.
Ayon din sa kanya ang ginawa niya ay para sa kabutihan ng bansa at sa sambayanang Pilipino.
Talaga!!! Kabutihan kaya ng sambayanan ang ginawa ng Malacañang nang wala pang isang linggo sila ng pang-aagaw ng kapangyarihan ay pinirmahan nila ang IMPSA contract na nagbigay ng sovereign guarantee sa Argentinian company.
Ang sovereign guarantee ay garantiya na kahit malugi ang nasabing kompanya sa Pilipinas ay titiyakin ng gobyerno na hindi mangyayari iyon dahil babayaran sila. Sabagay, sa sambayanan nga naman, sa mga Argentinian nga lamang.
Kabutihan kaya ng sambayanan ng paggawa niya ang pinakamahal na kalye sa buong mundo na tinawag pang Diosdado Macapagal Highway. Sino kayang sambayanan ang ibig niyang sabihin, sabagay kasali si JOSE PIDAL ang mga kaalyado, kakampi, katropa, kapamilya, kapuso, kapartido, kakutsaba ng Malacañang sa sinasabi nating mamamayan. Maliit na maliit na bahagi lamang bagamat malaking malaki ang mga deposito sa banko at mga bahay at mansion.
Kabutihan kaya ang ginawa ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante ang pagpapakalat ng fertilizer na walang silbi na nagkakahalaga ng daang milyon at ultimo mga urbanisadong lugar ay pinagbibigyan nito. Well, gaya ng naunang argumento, kasali naman sa mga mamamayan ang mga kongresistang kaalyado at kakutsaba nila. Higit sa lahat yung mga congressman/woman na ay matatawag pa nating commissioner dahil sa tindi ng paghingi ng commission.
Eh yung pagtawag niya kay dating Comelec Commissioner Virgilio "Garci" Garcillano ng hindi lamang isang beses kung hindi 14 na beses, kabutihan kaya iyon. Walang kaduda-duda kabutihan pero ni Madam Senyora Donya Gloria dahil nagkaroon siya ng ka-phone pal na nag-alis ng kanyang mga suliranin.
Paano yung mga tulay na iba-iba ang haba at lawak pero iisa ang presyo na binulgar ni Sen. Panfilo "Ping" Lacson, mabuti iyon hindi ba dahil kumita naman ang isang multinational group doon at dahilan pa upang magregalo ito ng isang palasyo sa United Kingdom.
Tungkol naman sa pagpapapasa nitong expanded value added tax na nagpalaki ng koleksyon ng buwis tama kaya, aba tama pa rin iyan dahil lumaki ngayon ang panggastos ng administrasyon at ultimo mga pork barrel at insertions ng mga kakamping kongresista at senador at siyempre pag lumaki ang mga project natural mas malaki rin ang kita.
Sa pagpapalabas naman ng Executive Order na nagbabawal sa mga miyembro ng ehekutibo na humarap sa anumang imbestigasyon ng senado, aba mabuti rin iyan, lalo na sa Malacañang dahil walang madudulas at aaming pinag-utusan lamang sila. Marami ring anomalyang mapagtatakpan.
Mga newsmen naman na pinaslang at mga leftist leaders ay tama rin para sa kanila, lalo na ang mga special ops group nila na namimilit ng mga demandang libelo na sinasampa kabi-kabila ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo laban sa mediamen. Kung matatahimik nga naman ang kahit na ilan ay tama talaga at pabor siyempre sa kanila na taong bayan din naman na libre ring gastusin at gamitin ang kuwarta ng bayan.
Iyon namang pagmamalabis at pananakit sa mga nagra-rally na tanging nais ay kampihan ang isang Pilipinang katulad ni Nicole at mga supporters ng ilang mga pulitikong biglaang pinasuspinde ay tama rin at lahat din ng makakaya ginawa ng Malacañang upang supilin ang anumang ambang paglaban o pag-alsa.
Marami pa hong sinikap talagang gawin at nagawa si Madam Senyora Donya Gloria, sa dami nga hindi ko na maalala lahat. Mga pilit niyang naipatupad at pinapatupad na nagpapaligaya at nagbibigay ng ginhawa at nagpapaangat ng buhay. Kaninong buhay nga lang at kaninong bulsa?
Ganundin sa mga taga San Lorenzo Ruiz o mas kilalang Binondo Church na nag-celebrate rin ng fiesta ng Sto. Niño. Nag-attend ako ng misa sa dalawang simbahan noong Sabado at Linggo kasama ni dating Congressman Harry Angping at tunay na Kongresistang Naida Angping at aaminin kong naantig ang aking puso.
Kakaiba kasi ang aking naramdaman at nahahawa ako sa mga devotees na taun-taon palang walang paltos na pinagdiriwang ang kapistahan. Kakaibang debosyon at panalangin na sumasalba sa ating bansa kahit na patindi nang patindi ang kahirapan. In the end, dalangin at pananalig sa DIYOS ang tanging maaasahan natin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest