^

PSN Opinyon

Kita bilang staff nurse sa US, maganda rin

SAPOL - Jarius Bondoc -
LAHAT ng administrasyon umaasa sa overseas placements para magka-trabaho ang taumbayan. Pero nakapagtataka na sa propesyon ng nursing, kinaligtaan ang pangangailangan sa US ng Licensed Practical Nurses, bukod sa Registered Nurses. Sayang, dahil 200,000 bagong nurses ang kakailanganin ng America kada taon hanggang 2012; kalahati nu’n ay RN, pero ang kalahati at para sa LPN.

Sinisisi ni Engr. Arthur Lacuesta, founder ng Philippine Paramedics & Technical School, ang batas. Kaa-amyenda pa lang ng Nursing Act, at nilimita nito ang nursing profession sa isang uri lang ng nurse: ang RN. Hindi tulad sa US, walang LPN sa Pilipinas. Naglipana ang mga nursing school, pero pang RN lang. Mahal ang tuition, pero mababa ang kalidad ng pagtuturo. Mahigit 80,000 nursing graduates ang kumukuha kada taon ng licensure exam ng Professional Regulatory Commission; wala pa sa kalahati, o 32,000 lang, ang pumapasa. Tapos walang trabaho sa Pilipinas.

Balita ni Dr. Leah Samaco-Paquiz, presidente ng Philippine Nurses Association, iniipit ng US Immigration ang hindi RN na pasado ng four-year college course na Bachelor of Science in Nursing. Kaya puro mga RN lang ang ipinapadala ng Pilipinas.

Nagulat si Gregory Howard sa umano’y pang-iipit ng US officials. Nag-chairman siya ng committee on LPN standards ng US-Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools. Sila nga ang tumutulong mag-recruit ng LPN mula sa India at ibang bansa sa Asia, pero wala namang problema sa Immigration.

Maganda ang sahod ng foreign RNs sa mga ospital, doctors’ clinics at care homes sa US. Depende sa experience at shift, pumapalo sa $18-$22 per hour. Sa mga state na mas kulang sa nurse, tulad ng California, ang bagong graduate ay $27-$29 kada oras, at ang esperyensado ay $28-$32.

Kailangan din ng LPNs sa America na nakatapos ng 12-18 month course lang, Naglalaro sa $12-$18 per hour ang suweldo, pero ‘yung mga may acute o convalescent patient ay $18-$22. Sa California, $17-$22.

ARTHUR LACUESTA

BACHELOR OF SCIENCE

DR. LEAH SAMACO-PAQUIZ

GRADUATES OF FOREIGN NURSING SCHOOLS

GREGORY HOWARD

LICENSED PRACTICAL NURSES

NURSING

NURSING ACT

PHILIPPINE NURSES ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with