^

PSN Opinyon

Kulang sa staff nurse, hindi lang RN, sa US

SAPOL - Jarius Bondoc -
LAKI ng gulat ko sa ibinalita ni Mr. Gregory Howard ng US-Commission on Graduates of Foreign Nursing Schools (CGFNS). Matagal na palang nagre-recruit ng Licensed Practical Nurse (LPN) ang US mula sa ibang bansa. Karamihan ng mga na-hire nitong huli ay Indians at Chinese, pero halos walang Pilipino na paborito sana ng mga doktor at pasyente. Kasi, ang mga ipinadadala natin sa America ay mga Registered Nurse (RN), na overqualified kaya hindi nailuluklok sa mga bakanteng puwesto.

Mga LPN ang gumagawa ng "dirty work", ika nga ng mga taga-ospital. Sila ang mga staff nurses, sa ilalim ng mga RN na supervisors. Graduate sila ng 12-18-month courses sa pag-aalaga ng pasyente, pag-asiste sa head nurse at doktor, at paggawa ng simpleng procedures.

Walang LPN sa Pilipinas. Ang pinaka-kapareha ay nurse aides, na tine-train ng kani-kanilang ospital batay sa sari-sariling kailangan. Walang basic curriculum para maging nurse aide, ani Dr. Leah Samaco-Paquiz, hepe ng Philippine Nurses Association. Mabuti pa ang nagke-caregiver sa Canada, may curriculum na aprubado ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Dahil walang LPN training sa Pilipinas, ani Engr. Arthur Lacuesta na founder ng Philippine Paramedic & Technical School, hindi tuloy napupunuan ng mga job openings sa US.

Isang uri lang ng nurse sa Pilipinas. Segun sa Nursing Act, ito ang RN na nakatapos ng four-year college course na Bachelor of Science in Nursing. Sila ang nurses sa mga ospital sa Pilipinas. Dahil sa dami nila, kinukuha sila ng US, Britain at Saudi Arabia – pero sa posisyong RN lang.

Sayang ang pagkakataon, ani Lacuesta. Kada taon hanggang 2012, mangangailangan ng 200,000 bagong nurses sa US, dagdag ni Howard; kalahati nu’n ay para sa RNs, at ang kalahati pa ay sa LPNs.
* * *
Itutuloy ko ang paksa bukas, kasama ang suweldo ng foreign nurses sa America. Para sa dagdag na detalye, panoorin ang Linawin Natin, 11:45 mamayang gabi, sa IBC-13.

vuukle comment

ARTHUR LACUESTA

BACHELOR OF SCIENCE

DAHIL

DR. LEAH SAMACO-PAQUIZ

GRADUATES OF FOREIGN NURSING SCHOOLS

LICENSED PRACTICAL NURSE

LINAWIN NATIN

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with