EDITORYAL - Pagdagsa ng Indonesian militants nakababahala
January 18, 2007 | 12:00am
NAKABABAHALA ang napaulat na pagdagsa ng mga Indonesians. Ayon sa Bureau of Immigration, tinatayang nasa 10,000 na ang mga Indonesians sa bansa at karamihan sa kanila ay nakapasok nang illegal. Marami sa kanila ang nagdaan sa back door sa pamamagitan ng pagtawid sa Celebes Sea at saka mamamaybay sa mahabang dalampasigan ng Mindanao. Iglap lang at narito na sila ay nakahalo sa mga Pilipino. Hindi naman nagkakalayo ang itsura ng mga Pilipino sa Indonesians kaya medyo mahirap tukuyin ang mga illegal na nakapasok sa bansa.
Ang pinangangambahan ngayon ay ang pagdami pa ng mga militanteng Indonesian at kinukupkop ng teroristang Abu Sayyaf. Ang dalawang Indonesian terrorists na kinukupkop ng Abu Sayyaf ay sina Omar Patek at Dulmatin. Matagal nang wanted ng United States at may nakapatong na malaking halaga ng pera sa kanilang ulo. Sina Patek at Dulmatin ang utak ng pambobomba sa Bali, Indonesia noong 2002 kung saan 200 katao ang namatay na kinabibilangan ng Australians at Americans. Bukod sa dalawang terorista, malaki rin ang pabuya sa makahuhuli kay Abu Sayyaf leader Khadafy Janjalani at Abu Solaiman ng Raja Solaiman Group. Kamakalawa, napabalitang napatay na ng military si Abu Solaiman. Nakapangangamba ang pagdagsa ng mga Indonesian militants at kung hindi sila mapipigil, dito nila isasagawa ang mga pambobomba. Ayon sa report, nag-aral ang dalawa sa Aghanistan sa pamamagitan ng paggawa ng bomba. Expert umano si Dulmatin at ganoon din si Omar Patik.
Ngayon ay pinaniniwalaang marami nang militanteng Indonesian ang nasa bansa at nakikihalubilo na sa iba pang Indonesian na nasa Sarangani, General Santos City at Balut Island. Ang iba ay sa komunidad ng mga Pinoy umano nakatira at hindi naman sila nahahalata sapagkat para nga rin silang Pinoy.
Sinabi ng Immigration na naglunsad sila ng socialized alien certificate registration para ma-check ang mga Indonesians. Ang mahirap daw ay 50 percent lamang ang nakababalik para kunan pa ng ibang pang detalye. Wala nang ibang gaganda pa sa suhestiyon na bantayan mabuti ang pinagdadaanan ng mga militante. Siguruhing walang makapapasok sa "back door"ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest