Saluduhan naman natin si Sr. Supt. Danny Abarzosa!
January 12, 2007 | 12:00am
SA unang pagkakataon naitala ng Manila Police District ang mahusay na pamamalakad at ligtas na pamamaraan sa taunang selebrasyon ng kapistahan ng Black Nazarene sa Quiapo, Manila.
Walang kaguluhang naireport sa alinmang sulok ng Quiapo habang inililibot ang prusisyon ng banal na poong Nazareno. Ito na marahil ang bunga ng mahigpit na kampanya pangseguridad na ipinairal ng aking kaibigang Acting-Director Senior Supt. Danilo Abarzosa ng Manilas Finest, kung kayat kaliwat kanan ang tinang-gap niyang papuri sa lahat ng mga deboto at sa mga mamamayan ng Maynila.
Kung sabagay matagal ko na rin itong nakasama sa ibat ibang police operation mula nang siyay maging Station Commander sa ibat ibang presinto ng MPD, kung kayat nasubukan ko na rin ang kanyang katatagan sa serbisyo, he-he-he! Ibat ibang uri ng kriminal na rin ang aking nai-publish sa aming pahayagan.
Lalo pang naging maaksyon ang buhay ni Abarzosa nang italaga siya bilang Officer-in-Charge ng MPD noong Sept. 25, 2006 matapos magbakasyon si dating Director Pedro Bulaong.
Ginampanan ni Abarzosa nang maayos at mapayapa ang mga rally ng mga militanteng kumukontra kay President Gloria Macapagal-Arroyo at may ilang opisyal at tauhan na rin ang kanyang pinarusahan matapos lumabag sa karapatang pantao.
At nang siyay italagang MPD Acting Director noong August 1, 2006 lalo pa siyang naging abala dahil sa malalaking kaganapan na kanya namang napangalagaan nang maayos. Hindi siya sumablay.
Sa katunayan kanyang napangalagaan ang seguridad ng mga mamamayang dumalaw sa mga puntod sa Manila North and South Cemetery sa ilalim ng programang "Oplan Kaluluwa" noong nakaraang November 1, 2006. Nakasamsam sila ng 200 bladed weapons at mga alak. Walang nangyaring kaguluhan sa mga nabanggit na sementeryo.
Binigyan din niya ng seguridad ang pagtitipon ng mga religious group at mga political leader sa ginanap na prayer rally sa Quirino Grandstand.
At noong nagdaang Pasko at Bagong Taon, naitala ang napakababang nasugatan sa firecracker and stray bullets matapos na paigtingin niya ang kampanya laban sa mga mapinsalang paputok at pagbusal sa mga baril ng kanyang mga tauhan.
Sa kasalukuyan, mas marami pa kayong makikitang pulis na gumagala sa mga lansangan sakay ng mga motorsiklo matapos niyang ilunsad ang kampaya laban sa mga riding-in-tandem criminals, he-he-he! Ang karagdagang 22 ba-gong motorcycle ay galing kay Manila Mayor Lito Atienza bilang ayuda sa kakulangan ng pulis para mangalaga sa seguridad ng mamamayan sa ilalim ng programang "Buhayin ang Maynila".
At dahil nga sa naging payapa at naging ligtas ang pagselebra ng Black Nazarene ng Quiapo taas noo akong sasaludo sa iyo Sir. Naway dagdagan mo pa ang iyong kasipagan. Ipagpatuloy mo pa ang iyong programa at parusahan mo ang ilan ninyong tauhan na lumalabag, upang muling maibalik ang tiwala ng mamamayan. Mabuhay ka!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended