^

PSN Opinyon

Viva Senyor Jesus Nazareno

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NGAYON ang 400th anniversary ng pagdating ni Senyor Jesus Nazareno at asahang dadagsa na naman ang milyun-milyong deboto hindi lang mula sa Maynila kundi sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Umpisa pa noong nakaraang linggo ay nag-umpisa ang barangay visitation ng Black Nazarene sa ilang mga lugar kung saan nagkakaroon ng misa na sinusundan ng procession patungo sa susunod na barangay. Marami sa mga residente ng Quiapo at mga deboto ni Senyor JESUS NAZARENO ang walang tigil na sinusundan ang bawa’t misa nito hanggang sa maibalik ito sa simbahan ng Quiapo noong Linggo ng gabi.

Lubos nga pala ang pasasalamat ko sa mga nag-anyaya sa akin at galak na galak ako at nadaluhang lahat ang misa kasama ni Congresswoman Naida Angping na isang deboto ng Black Nazarene at iba pang mga residente.

Sa mga taga-Barangay 380 Zone 39, 307 Zone 36, 394, 393, 392 at 391 sa Zone 40, taus-pusong pasasalamat. Spiritually enlightening ho sa akin ang araw-araw na pagsama ko.

Special thanks kay Chairman Danny Aquino, Rudy Chua, Rosie Ruz at Iyo Mateo na talagang inestima ako nang husto.

Kakaiba ho ang pakiramdam at epekto sa akin ng araw-araw na pagsunod kay Senyor Jesus Nazareno. Thank you po LORD JESUS.

Bukod ho sa spiritual ay marami pa ho akong natututuhang bagay-bagay kasama na ang pagkakaroon ng bagong kaibigan at renewed friendship naman sa mga kaibigang matagal ko nang hindi nakikita. Isa ho riyan si Bode Garol, dating kasamahan na kilala halos ang kanyang buong kabarangay at si Kagawad Alberto Garrido na matandang kapatid ng dati kong classmate.

Nakita ko rin habang nag-iikot kasama ni dating Congressman Harry Angping, kanyang butihing asawa at grasyosang tunay na Congresswoman Naida ang matinding debosyon ng mga residente na talaga namang dumadagsa kung saan nandoon ang imahe ng Black Nazarene. Bata’t matanda, babae o lalaki, mayaman man o mahirap, walang pinipili.

Ang pagiging relihiyoso ang tunay na dahilan kaya kahit na hirap ang sambayanan ay nakakayanan. Alam kasi natin na hindi tayo pababayaan ni LORD, basta lamang patuloy tayong magtiwala sa KANYA.

Paalala lamang po, talagang mahal ho NIYA tayo pero dagdagan pa ho natin ang pananampalataya at panalangin natin at kumilos rin tayo at magsikap nang husto. Tandaan natin lagi, nasa DIYOS ang awa nasa tao ang gawa.

Viva Senyor Jesus Nazareno!!!
* * *
Nangako ako sa maraming nakausap ko na makikipamiyesta ako ngayong araw at tuloy masaksihan ang iba pang mga aktibidades sa anniversary celebration na ito ni Senyor JESUS NAZARENO.

Dati-rati ho kasi ay namimigay kami ng aking kumander na si Susan ng mga kandila sa mga sumasama sa procession. Inumpisahan ho ito ng kanyang ama na ngayo’y nasa US na at tinutuloy lamang namin.

Kadalasan ho, pagkatapos ng pamimigay ng kandila at manalangin ay uuwi na ho kami pero sa taong ito ay nangako ako na sisikapin kong sumabay kay Congressman Harry at pasyalan ang mga tahanan ng mga deboto diyan sa Quiapo.

Balita ko, super sarap ang mga pagkain at hindi ako magtataka dahil nasampol ko na nga ang ilang luto ng mga magagaling na cook sa mga munti pero masayang-masayang birthday celebration diyan.

Belated Happy Birthday nga pala kay Kagawad Jess Alcantara diyan sa Quiapo kung saan kakaiba ang lutong papaitang litid. Nahiya nga ako na humingi ng isang tasa pa. Ganundin kay Dicky Batoy ng Sta. Cruz, Manila na talaga namang super sarap ang handang ube halaya at fruit salad. Sa kanyang maybahay na si Alice, anytime daig n’yo ang mga sikat na restaurant. Ganundin kay Roger Lipana na kahit mag-aalas dose na pinagtabi pa ang grupo ko ng super sarap na pansit na special na luto pa galing sa Lucban, Quezon.

Medyo bumibigat nga ang timbang ko, pero binabawi naman ito ng kalalakad na siyang nagsisilbing exercise.

Anyway, Happy Fiesta ho sa inyong lahat at advance na pasasalamat sa inaasahan na nating malugod na pagtanggap ninyo sa akin ngayong kapistahan ng Quiapo. Medyo hinay hinay lamang po ng konti sa inom at sana’y iwas away upang hindi naman natin mabahiran ng gulo ang napakagandang araw na ito. Muli, Viva Senyor JESUS NAZARENO!!!
* * *
Paumanhin doon sa nakaraang column ko. Nagkamali ho ako at ang naipadala ay isang lumang column na lumabas noong November pa.
* * *
Para sa anumang reaksyon o kumento, e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09272654341.

AKO

BELATED HAPPY BIRTHDAY

BLACK NAZARENE

BODE GAROL

CHAIRMAN DANNY AQUINO

CONGRESSMAN HARRY

CONGRESSMAN HARRY ANGPING

SENYOR JESUS NAZARENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with