^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa dorobong taxi drivers!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
KAHIT na bakasyon ang grupo ng BITAG ay patuloy pa rin kaming nakakatanggap ng mga reklamo sa aming text messages hotlines. Karamihang reklamo laban sa abusadong taxi driver.

Reklamo nila ang ginagawang pamimili ng mga pasahero ng mga taxi driver. Bukod dito ay ang patong na singil sa mga pasaherong kanilang sinasakay.

Text pa ng ilan sa BITAG kapag hindi ka pumayag sa kanilang gusto nakasakay ka na at marami kang bitbit na dala ay pabababain ka ng mga kolokoy na driver.

Hindi na bago sa BITAG ang ganyang estilo ng ilang kolokoy na taxi driver. Matatandaang aksidenteng nakaharap ng mga BITAG undercover ang isang abusadong driver ng taxi na si Alberto Tricano.

Astig na nakipagtalo sa mga BITAG undercover ang kolokoy na si Tricano. Hindi alam ni Tricano na bastat lumakad ang mga BITAG ay laging bukas ang aming surveillance at concealed camera.

Kaya naman nang hindi nakuntento si Tricano sa ipinakita niyang asal sa aming mga undercover, kinabukasan din, lakas loob siyang humarap as aming action center.

Akala siguro ni Tricano na makakahirit siya. Sa harap ng aming camera pinangaralan at tinuruan siya ng leksyon.

Babala ng BITAG sa pasaway na taxi driver, kapag naaktuhan namin kayo sisiguraduhin naming ipamumukha namin ang inyong kamalian.

Kung mamalasin baka ipatanggal pa ng BITAG ang inyong prangkisa dahil sa kalokohan n’yo. Mas maganda kung titigil n’yo na ang kalokohan.

ALBERTO TRICANO

ASTIG

BABALA

BITAG

BUKOD

DRIVER

KARAMIHANG

KAYA

TRICANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with