May masisilungan na ang mga marino
December 24, 2006 | 12:00am
PINASINAYAAN ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang bagong gusali ng Seafarers Center in Manila sa kahabaan ng T. M. Kalaw St., Ermita na naitayo sa ilalim ng administrasyon ni Manila Mayor Lito Atienza sa programang "Buhayin ang Maynila".
Itoy pagdakila sa mga marinong malaki ang naiam-bag sa kaban ng bayan na maiahon sa bankaroteng ekonomiya. Dapat lamang talagang bigyan ng pamahalaan ng pansin ang paghihirap ng ating mga bayaning marino dahil sa kanilang katapatan sa kanilang trabaho ay kinilala sila sa buong mundo na mahuhusay sa larangan ng paglalayag.
Labis ang kasiyahan ng mga marinong naka-saksi sa naturang inagurasyon nang si President Arroyo ang dumalo sa kabila ng napakarami nitong trabaho sa Palasyo. Ika ngay may puwang sila sa puso ni Ate Glo, he-he-he!
Dininig ng langit ang matagal ng dalangin ng mga bayani nating marino na magkaroon ng gusaling sisilungan sa panahon ng tag-araw at tag-ulan.
Halos daan-daang marino ang umuukopa sa kahabaan ng bangketa mula Maria Orosa St., hanggang National Library ng T. M. Kalaw. Kung mapapadaan kayo roon makikita nyo na mistulang mga trabahador sila na nagwewelga. He-he-he! Madali nang makikilala ang mga tunay na marino at mapapadali rin sa mga pulis na matunton ang mga "fixer". Get nyo mga Suki!
Karamihan kasi sa mga marino ay mula pa sa mga malalayong probinsya kung kaya ang ilan sa kanila ay makikitang natutulog na lamang sa bangketa upang makatipid sa pamasahe habang silay naghihintay ng kanilang iskedyul. Napansin marahil ni Atienza na pumapangit ang paligid sa tuwing siyay mapapadaan sa naturang lugar kung kayat agad niyang pinagtuunan ng pansin. Wala pong halong pulitika ito mga suki! Tinugon la-mang ni Atienza ang matagal nang karaingan ng mga bayani nating marino. He-he-he! Get nyo mga intrigero!
Nasa tamang landasin si Manila Mayor Atienza sa pagpapatayo ng naturang gusali sa dahilang halos lahat ng mga ship-ping agency ay nasa paligid lamang.
Nakilala kasi si Atienza sa pagpapaayos ng kapaligiran ng kanyang itatag ang programang "Buha- yin ang Maynila" kung kayat inyong makikita na halos lahat ng mga bangketa ay malilinis, maliwa-nag at maganda, ito mara-hil ang bunga ng magandang koleksyon sa buwis ng lungsod.
Siyempre hindi mabubuo ang programa kung walang ribbon cutting kung kayat sabay na pinutol ni President Arroyo at ni Mayor Atienza ang laso bilang hudyat ng pagbubukas ng naturang gusali. Kabilang din sina Acting Secretary Danilo Cruz ng Department of Labor and Employment (DOLE), Chairman Patricia Sto.Tomas ng Development Bank of the Philippine at AMOSUP President Gregorio Oca sa umasiste sa naturang seremonya.
At dahil sa makasaysayang okasyon, hindi rin nagpahuli ang ilang am-bisyosong mga personalidad ang nakisawsaw at nakihalubilo sa pagtitipon, he-he-he! Nakakuha na naman "pogi points" ang ilang ambisyoso.
Maligayang Pasko po sa inyo mga suki ng Pilipino Star NGAYON.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended