^

PSN Opinyon

Pagsikapang maibalik ang tiwala ng publiko

DOKTOR NG MASA - DOKTOR NG MASA ni Loi Ejercito Estrada -
LABIS ang aking kalungkutan sa mga madugong‚ pangyayari nitong nagdaang linggo na kinatatampukan ng pagkapaslang kay Abra Rep. Luis Bersamin. Sa pamilya Bersamin, muli ang taus-pusong pakikidalamhati ng aming pamilya sa pangunguna ni President Joseph Estrada.

Bukod sa malawakang gutom, paghihirap at kawalang hanapbuhay ng ating mga kababayan, matinding problema na rin ngayon ang lumulubhang problema sa seguridad at peace and order sa ating mga komunidad. Habang papalapit ang Kapaskuhan, tila hindi kasayahan at pag-asa ng kasaganaan sa mga susunod na araw ang naglalaro sa isipan ng ating mamamayan, bagkus, ang makalayo sila sa kapahamakan.

Ayon pa rin sa Philippine National Police, kasama ako sa mga may death threat. Ganito na ba talaga ang takbo ng ating lipunan sa ilalim ng rehimeng Arroyo? Kahit ang mga senador at mga halal na opisyal ng bayan ay hindi na rin ligtas?

Sa aking panig, wala akong alam na inabusong tao o niyurakan ang kanilang dangal at karapatan; ang magbigay ng libreng serbisyo publiko at pakinggan ang mga karaingan ng ating mga kababayan ang ating pinagbubuhusang pansin.

Kaya nga nagtataka naman ako kung bakit pati ako ay naiisipan pang gawan ng masama ng ilan nating mga kababayan na malinaw na nalilihis ng landas. Marahil nga ay sobra nang nasira ang rule of law sa ating lipunan ngayon kaya masyado ng violent at agresibo ang takbo ng utak ng mga criminal.

Magkaganito man ay wala akong balak na magdagdag ng ating security detail; bagaman may request ako noon sa PNP, wala akong balak na buhayin pa ang request na ito.

Sa ngayon ay mas gusto ko pang manalig sa proteksyong ibinibigay ng Panginoon sa akin at sa pagmamahal na ibinibigay sa akin ng ating mga kababayan, lalo pa nga sa hanay ng masang Pilipino.

Ang akin lang panawagan sa mga awtoridad ay paigtingin pa ang kampanya laban sa kriminalidad at sa bawat oras ay pagsikapang maibalik sa kanila ang tiwala ng taum-bayan katulad noong aktibong presidente pa si Erap kung saan tumaas ng husto ang kredibilidad ng ating kapulisan.

May mahigpit na relasyon kasi ang public trust sa performance ng mga law enforcement authorities, lalo pa sa panig ng PNP.
* * *
Ang Doktora Ng Masa ay handang magbigay ng serbisyo publiko. Maari kayong mag-e-mail sa: [email protected] o lumiham sa aking tanggapan sa Room 209, GSIS Building, Senate of the Philippines, CCP Compound, Pasay City.

ABRA REP

ATING

DOKTORA NG MASA

LUIS BERSAMIN

PASAY CITY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SENATE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with