Kasalanan ni Cain sinalo ni Abel
December 22, 2006 | 12:00am
Para sa ating mga Pilipino ang kahihiyan ng isang tao o ng pamilya ay isang mahalagang bagay na iniingatan at binibigyang importansya. Isang malaking insulto ang pahiyain o mapahiya ka sa harap ng iba.
Merong ngang mga babae na kahit niyurakan na ang kanilang puri ay pinipili na manahimik na lamang dahil sa tindi ng kahihiyan na idudulot nito sa kanilang pamilya.
Ang iba naman dyan ay nag-iisip ng paraang makaganti dahil sa kahihiyan sinapit nila mula sa iba.
Ito ang natutunan ng biktima ng isang insidente na ang pinagmulan ay ang hindi magandang pagsita sa mga suspects na ang kinahantungan ay isang trahedya.
Nagsadya sa aming tanggapan si Elmer San Jose ng Antipolo City upang humingi ng tulong hinggil sa kasong Homicide at Frustrated Homicide na isinampa laban sa mga suspek.
Dating nanligaw ang suspek na si Bernardo Manoto ang asawa ni Elmer, si Maria Jestle na kilala rin sa tawag na Marie. Bago naman ligawan ni Elmer si Marie ay kinausap niya si Bernardo na kung sinuman ang pipiliin nito walang samaan ng loob. Pinili naman ni Marie si Elmer at magmula noon ay hindi na nag-usap sina Bernardo at Elmer.
Naging magkasintahan hanggang sa magpasya sina Marie at Elmer na magpakasal. Maayos naman ang pagsasama ng dalawa. Nagkaroon na rin ng sariling pamilya si Bernardo.
Samantala nagtrabaho sa ibang bansa si Elmer. Panatag at tiwala si Elmer sa katapatan ng asawa bagamat sila ay magkalayo. Tanging hangad nito ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Kahit na malayo ay hindi naman nagbabago ang pagtingin ng mag-asawa. Madalas na magkausap sa telepono at nagsusulatan din naman ito.
Minsan ay nabanggit ni Marie sa kanyang asawa na madalas nagtetext sa kanya si Bernardo. Tumatawag din ito sa kanyang cellphone pero hindi naman daw niya ito sinasagot. Naging tapat naman si Marie sa pagsabi sa kanyang asawa ang tungkol dito upang maiwasan ang hindi magandang idudulot nito sa kanilang pagsasama.
"Nagsabi na agad si Marie dahil baka raw sa iba ko pa malaman at ayaw rin niya na magsuspetsa ako pero hindi naman daw niya ito sinasagot. Tinanong ko naman sa kanya kung bakit pa ito nagtetext o tumatawag sa kanya," kuwento ni Elmer.
Sa palagay ni Elmer, sinusubukan ni Bernardo ang kanyang asawa lalo pat wala siya sa bansa. Hindi naman agad nag-isip si Elmer na gusto lamang nito makaganti sa ginawa niyang pag-agaw kay Marie dahil matagal na panahon na ang nakalipas. Gayunpaman, hindi na rin nag-usisa pa si Elmer sa kanyang asawa. Tiwala naman siya na hindi magagawa ni Marie na kaliwain siya.
Makalipas ang dalawang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa bumalik si Elmer ng Pilipinas. Ayon sa kanya, walang nagbago sa samahan nilang mag-asawa. Minsan ay nagkaroon ng salu-salo ang mga San Jose. Nang makita ni Elmer si Bernardo ay sinita niya ito dahil hindi naman ito imbitado.
Ang hindi alam ni Elmer ay nagtanim na ng galit si Bernardo sa kanya. Ika-6 ng Mayo 2006 ng alas-8:50 ng gabi sa Roxas Road, Brgy. May Iba, Teresa, Rizal naganap ang insidente. Galing ang magkapatid na Elmer at Norly San Jose sa bahay ng biyenan ng una. Si Elmer ang naatasan na mamahala sa pagpapaayos ng bahay nito kaya naman isinama niya ang kanyang kapatid.
Lingid sa kaalaman ni Elmer na nakaabang na noon sa kanilang pag-uwi si Bernardo. Hinarang sila nito at pagkatapos ay inundayan ng saksak. Sa bandang sikmura at kaliwang dibdib ang tama ng saksak ni Elmer habang kapatid nitong si Norly ay sa gawing puso ang tama ng saksak.
Samantala isang kapitbahay naman ang nagpunta sa bahay nina Elmer at sinabi ang nangyaring insidente. Agad namang pinuntahan ni Marie ang lugar at doon ay nakita niyang nakabulagta na ang kanyang bayaw na si Norly. Paglabas nito ng bahay ay nakita din nitong armado ng itak ang ama ni Bernardo, si Gaudencio.
Pinagtulungang saksakin ng mag-ama ang magkapatid na Norly at Elmer. Samantala dinala sa ospital sina Norly at Elmer subalit sa kasamaang palad ay binawian na rin ng buhay si Norly dahil sa tama ng saksak nito.
Inireport agad ng pamilya ng mga biktima ang nangyaring krimen sa himpilan ng pulisya subalit ng rumesponde ang mga pulis ay mabilis na tumakas ang mga suspek.
Nagsampa ng kasong Murder at Frustrated Murder laban sa mag-amang Bernardo at Gaudencio Manoto. Hindi naman dumalo sa preliminary investigation ang mga suspek hanggang sa lumabas ang resolution. Dismayado si Elmer ng bumaba ang kaso sa Homicide at Frustrated Homicide na lamang. Gayunpaman, hangad ni Elmer na mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang magkapatid.
Sabihin na natin na hindi maganda ang ginawang panghihiya ng isa sa mga biktima sa suspect. Sabihin na rin natin na dahil sa panghihiya na yun, nagalit ang mga suspects. Subalit, kahit paano mo tingnan sa mata ng Diyos o sa ating batas, ang pagpatay sa tao ay isang mabigat na kasalanan na dapat mabigyan ng karampatang parusa.
Ngayon, dahil sa "pride" mo mahaharap ka sa kasong pagpatay na maaring makulong ka ng mahabang panahon.
Para sa anumang impormasyon na makapagbibigay-alam sa kinaroonan ng suspek maaari kayong tumawag sa 6387285 o di kayay sa 6373965-70. Maaari din kayong magtext sa 09213263166 o 09198972854. Ang aming tanggapan ay sa 5th Floor Citystate Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended