^

PSN Opinyon

Task Force Usig kumikilos sa extra-judicial killings

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAGPAPALITAN ng detalye ang Amnesty International at ang Philippine National Police (PNP) para hindi na magiging magkasalungat ang records ng extra-judicial killings sa bansa. Dumalaw kasi si Timothy Parritt, ang acting deputy director ng Asia-Pacific Regional Programme kay Dep. Dir. Gen. Avelino Razon Jr., ang deputy chief for administration ng PNP para nga ma-update ang kanyang organization ng mga ginagawa ng Task Force Usig para malutas ang kaso ng kung anu-anong uri ng patayan dito.

Nagsagawa ng briefing si Razon ukol sa mga accomplishment ng Task Force Usig kung saan napatunayan nila na karamihan sa patayang nagaganap sa bansa ay bunga sa malawakang purge ng CPP/NPA sa kanilang hanay. Nakumbinsi rin ni Razon si Parritt na ang gobyerno ni President Arroyo ay nababahala rin sa extra-judicial killings. Nangako pa rin si Razon kay Parritt na iimbestigahan ng PNP ang lahat ng extra-judicial killings at ang mga responsable rito, maging opisyal ng militar o pulis man ay gagawaran ng kaukulang kaparusahan. Iginiit pa ni Razon na bumuo na si GMA ng Melo Commission para lutasin nga ang mga kaso. Pero tama lang na palaging nagbabantay ang Amnesty International para nga mahinto na ang mga patayan na ito, di ba mga suki?

Sa kanyang pagdalaw kay Razon, iniabot ni Parritt ang report ng Amnesty International na may pamagat na ‘‘Phililippine Political Killings, Human Rights and the Peace Process.’’ Nakasaad sa report na ang patayan sa bansa ay hindi konektado sa isa’t isa. Medyo nababahala ang Amnesty International bunga sa mga report na ang mili- tary at pulisya ang nasa likod ng mga patayan at nagpahayag sila na dapat magkaroon ng madaliang solusyon ang gobyerno ukol dito. Inihayag din sa report na hindi magkatugma ang mga records ng Amnesty Intertional at gobyerno ni GMA ukol sa extra-judicial killings kaya’t magkasalungat ang mga pahayag nila sa isyu.

Humingi rin si Parritt ng mga inputs ukol sa Philippine Criminal Procedures, Forensic investigation capability. AFP/ PNP relationship in the conduct of investigation of captured CPP/NPA elements, Philippine Criminal Justice System at ang mga pamamaraan para protektahan ang mga state witness at ang pagkalap ng ebidensiya. Sa isyung ito, hindi nag-aksaya si Razon para ipaliwanag kay Parritt and existing rules and regulations ng PNP at kung ano ang role nito para imbestigahan ang mga kaso sa pakikipagtulungan ng publiko. Binigyan din ni Razon si Parritt ng kopya ng recommendation ng PNP sa Melo Commission kung paano lutasin ang mga extra-judicial killings.

Nangako rin si Razon na rebisahin ng PNP ang report ng Amnesty International at magsusumite sila ng kani- lang findings. Ipinaktia rin niya kay Parrit ang resulta ng imbestigasyon ng Task Force Usig, kabilang na rito ang statements ng mga witnes-ses at kamag-anak ng mga biktima.

Bago umalis si Parrit, iniabot sa kanya ni Razon ang kopya ng PNP manuals on crime laboratory operations, Criminal Investigation at ang CPP/NPA/NDF atrocities against government forces, business establishments at mga sibilyan. Sa pamamagitan nina Razon at Parrit, tiyak maayos na ang records sa patayan sa bansa.

vuukle comment

AMNESTY INTERNATIONAL

AMNESTY INTERTIONAL

MELO COMMISSION

PARA

PARRIT

PARRITT

PNP

RAZON

TASK FORCE USIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with